Chapter 32: Recognition Day

35 3 0
                                    

Chapter 32: Recognition Day


Isang buwan ang nakalipas...

Shane's POV:

Nagmamadali ako ngayon dahil baka mahuli pa kami sa gaganapin na seremonyas sa aming Recognition Day. Ngayon gaganapin ang pagbibigay ng mga medalya at ng iba pa para sa mga naka graduate at para sa aming mga Awardees na nakakuha ng mataas na marka sa klase para sa isang taon.

At ako naman ay ang pinaka-una at mataas ang marka sa aming klase kaya kailangan ko'ng dumalo. Sabi ng mga guro at ng iba pang Faculty Members ay pang una ako at WITH HIGH HONOR daw.

"Aba! Ang porma naman ng anak namin!" Galak na saad ni Daddy.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at naka shades pala ako dahil nakakasilaw. Ngayon ko lang maiilarawan ang uniporme namin. Basta may parang kapa na pa-rectangle imbis na pabilog tapos nakatagilid, tapos may nakalagay na necktie, checkered. Tapos below the elbow 'yung sleeves. Tapos may vest na kulay green, light yellow 'yung pinaka uniporme at may green linning sa may kapa na ewan.

Maya-maya ay tumunog ang selpon ko at nakita ko na nagpapanic ba o nagmamadali 'yung dalawa sa group chat namin.

J.A.S:

Althea: Nasaan ka na Julia?

Julia: Saglit lang! Hinihintay ko pa 'yung tita ko.

Althea: Bilisan mo!

Julia: Saglit. Naliligo pa 'yung tita ko. Bruha ka!

Athea: Mas bruha 'yung isa diyan!

Julia: Bruha ka daw oh. @Shane Cruz

Aba't minention pa ako ng mga loko.

Shane: Baliw! Papunta na'ko.

Althea: Ako kanina pa! Kaya Bilisan niyo nang dalawa dahil nawawala na 'yung make-up ko sa mukha sa init.

Julia: WoW! May make-up!

Shane: FASHIONISTA!!!

Althea: Ewan ko sa inyo.

Shane: Hahahahaha

Althea: ( ._. )

Pinatay ko na ang selpon ko saka ibinulsa ito. Sumakay na kami nila Mommy sa kotse namin saka nagmaneho si Daddy papunta sa campus. Abril 27 ngayon at ito na ang pinakahihintay namin pagkatapos namin magpa-clearance at kumuha ng final exams.

Sa wakas! Grade 11 na'ko sa susunod.

Nakarating na kami sa paaralan. Noong natapos ang klase namin ay pinauwi na kami ni GinoongJeff sa mga pamilya namin kasama ang mga gamit namin siyempre. Kaya kasama ko na sila Mommy at Daddy ngayon.

*Flashback*

"Shane!" Masayang salubong sa akin ni Mommy. Dala-dala ko ang mga gamit ko. Nakilala narin nila Mommy and Daddy sila Julia, Althea, at Ariela bago namin binalik ang mga susi ng kwaeto namin kay Ginoong Jeff.

"Mommy!" Salubong ko din saka nagyakapan kami ni Mommy. "Mommy nasaan po si Daddy?" tanong ko habang nakayakap parin sa kaniya.

"Nasa kotse ang Daddy mo." Sabi niya.

"Mommy alam mo po ba?" nagpa-kyut pa ako.

"Ano 'yun?" takang tanong niya.

"With high honor po ako at panguna po ako!" Nagulat naman agad siya saka lalo akong niyakap.

"Ganyan nga 'nak! Pag butihan mo ang pag-aaral mo ah. Huwag ka magpapabaya. Saka na 'yang mga jowa, jowa na 'yan." Sabi niya habang hinihimas 'yung buhok ko.

Tiningala ko siya. "Opo, Mommy. Pangako hindi muna ago magjo-jowa." Nakangiting saad ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saka niya ako tinulungan sa mga dala ko.

Binitbit ko narin 'yung bike ko saka nilagay sa likod ng sasakyan. Mabuti na lang at 'yung malaking kotse namin ang dala nila kundi hindi ito magkakasya pag 'yung ibang kotse namin ang dala nila. Nilingon ko 'yung paaralan namin saka tinitignan ang kabuuan nito.

Kita-kits ulit sa susunod na taon, Hugot Academy.

Nakangiting sabi ko sa isip ko. "Shane? May problema ba?" nag-aalalang tanong ni Mommy. Lumingon ako sa kaniya.

"Wala po, Mommy." Iling-iling kong tugon saka sumakay na sa sasakyan.

*End of flashback*

Nag selfie-selfie kami nila Julia, Althea at Ariela saka umayos na noong tatawagin na kami sa stage dahil naka-upo na kami sa mga puwesto ng baitang-sampu na may mga honors lang. Unang tinawag si Reymer, sunod sila Ariela at Althea. Ang ranking naman ni Julia ay pangatlo. Si Althea ay pang-apat at si Reymer ang huli kaya pang-lima siya. Si Christian ay pangalawa at ako ang panguna. Lahat sila ay 'With Honors' lamang. Samantala ako ay 'With High Honor'. Pero hindi ko ito pinagmamayabang dahil masama iyon.

Nang ako na ang tatawagin ay hinawakan ko ang kamay ni Daddy na siyang sasama sa'kin sa pag-akyat ng entablado.

"Shane Cruz, with high honor!" Umakyat na kami ni Daddy saka nakipag kamay ako sa mga Board of Trustees at Principal at sa aming Guest Speaker.

"Congratulations!" 'Yan ang iisang sinasabi nila at ng lahat ng mga taong nakakasalubong naming mga nakapasok sa honors.

Masaya at nakangiti ako hanggang sa matapos ang Recognition namin. May mga nag-iyakan, yakapan dahil lilipat na ng ibang paaralan ang ilan. 'Yung iba naman ay tapos na sila sa paaralan na ito. Ako naman ay niyakap sila Julia, Althea at Ariela habang naluluha dahil sa saya at mami-miss ko sila.

Lumabas na 'yung iba ng himnasyo. "Sige, boi!" Kaway sa'kin nila Althea at Julia.

"Paalam na Shane. Hanggang sa pasukan ulit." Nakangiting sambit ni Ariela saka kami muling nagyakapan.

Paalis na kami ng mga magulang ko nang lumapit sa akin si Ariela at hinawakan ang aking kamay.

"Ahh... Hindi ko alam kung paano ko 'to sasabihin sa'yo pero..." Lumapit siya sa akin saka hinalikan ako sa aking pisngi.

Natulala naman ako sa kanyang ginawa saka siya tumakbo paalis sa himnasyo.

**** 

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon