Chapter 13: Boy friend

80 1 0
                                    

Chapter 13: Boy friend


Ariela's POV:

Pagkatapos kong magluto ay agad kong ginising si Shane.

"Shane... Psst... Gising na." Pagkasabi ko sa malumanay na boses. Naalipungatan siya at naamoy ang amoy ng adobong baboy na niluto ko.

"Waw! Ang bango naman," parang bata na pagkasabi niya.

"Hay nako! Ang lakas talaga ng pang-amoy mo hahahaha." Biro ko.

"Ikaw nag luto Ariela?"

"Oo," sagot ko saka ngumiti. "Tara kumain na tayo." Aya ko. Tumayo naman agad siya saka pumunta sa lamesa namin.

Nag dasal muna kami bago kumain. Sumubo siya agad ng pagkain kahit mainit pa. "Aray!" Daing niya.

"Mainit pa 'yan. Bagong luto kaya hipan mo muna," nginitian ko siya.

Hinipan niya muna saka sumubo ulit.

"Ang sharap!!" Asal bata niyang saad. Natawa ako ng kaunti sa inasal niya.

"Kumain ka lang dyan," nginitian ko siya.

Shane... Paumanhin subalit may sikreto akong itinatago sa'yo.

"Bakit ngayon ka lang Ariela?" tanong niya.

"Ahh... May ginawa lang," umiwas ako ng tingin sa kanya at nagpatuloy na lang sa pag kain. Hindi na siya sumagot pa nanatiling tahimik kami habang kumakain.

*Pagbabalik-tanaw*

Pumunta ako sa isang lugar na hindi pinupuntahan ng mga tao tanging ako at ang mga barkada lang ni Christian.

Bumisita lang ako dito pagkatapos ng isang taon. Walang tao at madilim nang tignan ko ito pagkatapos ko masilip ang lugar na iyon ay agad na akong naglakad pabalik sa dorm.

*Pagtatapos ng pag-alala*

Pagkatapos namin kumain ay nanood muna kami ng T.V para habang naghihintay na bumaba ang kinain namin. Pagkatapos ng pinapanood namin natulog na agad siya at ako naman ay naghugas na ng pinggan.

Reymer's POV:

Kalagitnaan na ng gabi pero gising pa rin ako. Hindi ako makatulog sa kakaisip kung sino 'yong kasama ni Shane kahapon.

Sino kaya 'yong lalaki na kasama ni Shane kahapon? Hindi kaya shota niya 'yon? Arrgghh bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi kaya... Hindi! Hindi! Hindi puwede!

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa naiisip ko.

May gusto ba ako sa kanya? Oh mahal na? Hayss hindi ko maintindihan ang sarili ko. Makatulog na nga lang.

Pinilit ko na makatulog pero hanggang ngayon gising pa rin ang diwa ko. Tumingin ako sa kabilang banda ng kuwarto kung saan mahimbing natutulog si Christian.

Lumabas ako saglit ng kwarto para mag pahangin. Nakita ko si Ariela na nasa labas ng dorm. Nakatambay lang siya sa may duyan sa tabi ng puwente sa baba.

Bumaba ako para kausapin si Ariela dahil nakita ko siya na parang malalim ang iniisip.

"Ola! Buenos tardes!" Bati ko.

"Konbanwa!" Bati niya pabalik. "Marunong ka magsalita ng espanyol?" tanong niya.

"Kaunti lang," nginitian ko siya.

"Ikaw? Marunong ka magsalita ng hapon?" tanong ko.

"Kaunti lang din,"ngumiti siya sa'kin.

"Hindi ka makatulog?" tanong ko.

Hugot Academy (HUGOT SERIES #1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon