Just His Girl

3.1K 63 7
                                    

So heto na sisimulan ko na po. Official ko na syang binubuksan ng pinto haha. Vote nyo po and comment na rin para malaman ko ang saloobin nyo.


@-holycheese maraming salamat sa teaser! :)

Just His Girl


Prologue


Masarap maghabulan lalo na kung alam mong may naghahabol sayo. Challenging.


Masarap magtaguan lalo na kung tanga ang naghahanap sayo. Feeling mo panalo ka.


Mga larong pambata diba? Masaya. Matira matibay nga ika nila.


Pero pano kung masali to sa larong pag ibig? Magiging masaya pa kaya? Hahabol ka pa ba kung alam mong wala ka naman talagang hinahabol? Maghahanap ka pa ba kung alam mong kahit kelan di na sya kailanman magpapakita?


Dahil sa larong pag ibig lahat taya. Lahat nagiging tanga. Lahat naghahabol at naghahanap.


Ikaw hanggang saan ang kaya mong itakbo para habulin sya? Hanggang kailan ka maghahanap?


Nga pala sa larong to walang nakakaalam kung sino ang magiging panalo. Matira ang matibay.


Kaya I'll do everything,as in everything..



Just to be His Girl.

 Just His GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon