Chapter 7

4.6K 89 7
                                    

Ako ang naghanda ng mga kakainin namin. Inayos ko muna sa malaking lamesa ang mga hinanda ko. Ako ang nagluto ng lahat ng ulam. Like caldereta, adobong manok, sisig, at chopsuey na request nila dahil puro baboy at manok daw ang nakahain. Habang si Katrina naman ay gumawa ng desserts.

Tinulungan naman ako ni Zeb sa pag-aayos ng lahat sa lamesa.

Si kuya Alli ay bumili naman ng Jack Daniels at Champange na iinumin nila mamaya.

Sila kuya Lion ay tulog pa rin hanggang ngayon. Paano'y hindi kasi natulog kanina kaya hanggang ngayon ay tulog pa rin.

"Kuya Lin, hindi pa po ba gigisingin sila kuya Lion?" I asked pagkatapos kong mag-ayos.

He shrugged. "Later, when Alli and his friends are already here."

I nodded. Inamoy ko naman ang sarili ko. Amoy pawis na ako at nalalagkitan na rin ako sa sarili ko dahil kanina pa ako nagluluto.

Nagpaalam muna ako kay Zeb na aakyat muna sa room. Habang papalapit sa room ay bumagal ang lakad ko ng makita kung sino ang nandoon sa labas ng kabilang room.

Nagtaas siya ng tingin sa akin. Prenteng nakasandal siya sa pinto at nakapasok sa bulsa ng short niya ang kaniyang dalawang kamay.

Agad akong nakaramdam ng kaba ng magtama ang aming paningin.

Should I ignore him? Or should I say at least 'hi' to him?

Ah, I pick one.

Tumungo na ako at nag-umpisa ng maglakad. Ngunit habang papalapit na ako sa gawi niya ay bumagal ang lakad ko. I don't know why I have this feeling for him!

Hindi ko naman siya gusto o maski boyfriend! Pero bakit parang kailangan kong magpaliwanag sa kaniya tungkol sa nakita niya kanina? Bakit ganito? Dahil ang nakikita ko sa mga mata niya ay iba. Hindi ko maipaliwanag.

Napatigil ako sa paglalakad ng iharang niya ang kaniyang kamay sa akin. Napakurap-kurap pa ako dahil sa ginawa niya. Nanlalaki ang matang humarap ako sa kaniya.

Nakataas ang kilay at masama pa rin ang tingin sa akin. He clenched his jaw. Gosh! Is he mad at me? But why? Did I do something wrong that he don't like? Mga tanong na namuo sa isipan ko na gustong itanong sa kaniya.

"E-excuse me," kinakabahan na sabi ko. Piping nagdasal na sana'y 'di niya napansin ang kaba sa aking boses.

Lalakad na sana ulit ako ng ibaba niya ang kaniyang kamay ngunit agad rin napatigil ng magsalita siya.

"Is he your... boyfriend?" He asked, he stares at me like he's waiting for my response.

Humugot ako ng hininga. Walang tao ang pumasok sa isip ko sa tanong niya. I don't have a boyfriend. Sino naman ang inaakala niya na boyfriend ko?

Naguguluhan na tinignan ko siya. "S-sinong boyfriend?"

Kumunot ang noo niya. "The one who suprised and helped you and your team."

Roui?

Bakit niya naman naisip ang mga bagay na yun?

Syempre, gagawin sa akin iyon ni Roui dahil kaibigan niya ako. Kung ako rin siguro ay gagawin iyon sa mga kaibigan ko.

Umiling ako.

"Then, who is he?"

"Friend of mine." I answered. "G-gisingin mo na pala ang mga kasama m-mo. Pumunta na rin kayo sa baba."

He nodded.

Aalis na sana ako ng muli siyang magsalita.

"Is he always like that to you?"

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon