Mabilis akong tumakbo papunta sa private room kung nasaan nakaconfine ang Dad ko. Si Trent ay hinatid lang ako at umuwi na rin dahil hindi kami pwedeng makita ng pamilya ko.
Natigil ako sa pinto ng makita si Dad na walang malay at may dextrose na nakakabit sa kaniya. Si Mom ay nasa gilid niya at hawak ang kamay. Sila kuya naman ay nakatayo at may tinatawagan. Natigilan silang lahat ng makita ako.
Umiiyak na naglakad ako palapit kay Dad. Si mom ay tumayo at lumapit sa akin. Pinagmasdan ko siya at niyakap. Masakit pagmasdan na umiiyak ang magulang natin.
"M-mom, w-what happened?" Tanong ko habang hinahaplos ang likod niya.
"A-anak, si d-dad..." hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng humagulgol siya.
Lumapit sa amin ang dalawa kong kuya at pinaupo si Mom. Pinatatahan ni kuya Sylus si Mom habang ako'y tuluyan nang lumapit kay Dad. Tuluyan na akong humagulgol sa kamay ni Dad.
I hate seeing Dad in this kind of situation. Gusto ko iyong malakas siya. Iyong tumatawa at masaya tuwing magkakasama kami. Kung kailan naman na nandito na sila kuya at kumpleto na kami ay tsaka pa nangyari ito.
"D-dad, wake up now," mahinang usal ko habang pinapahiran ang aking luha.
Naramdaman ko ang kamay ni kuya Silver sa balikat ko. Sinandal niya ako sa kaniyang t'yan kaya hindi ko na napigilan na yakapin siya. Doon ako umiyak ng umiyak. Wala pa man akong alam sa nangyari kay Dad ay ganito na ako, paano kung... kung mas malala pa ang mangyari sa kaniya? How can I handle myself?
Sabay kaming lahat na napalingon sa pinto ng pumasok ang Doctor at isang nurse. Lumapit sa amin ang Doctor habang ang nurse ay ineexamin si Dad.
"What's the result, Doctor?" I asked.
Kuya hold my hand that's why I looked at him. He gave me a warning look. I know that looked.
"Can we go outside?" Anang kuya.
Tumango ang Doctor. Lalakad na sana kami palabas ng magsalita si Mom. I'm sorry, Mom, but you don't need to know this yet. I know, we are all not ready pero mas kaming magkakapatid ang nagaalala kay Mom ngayon kung makakaya pa niya ang marinig ngayon.
"G-gusto kong marinig," Mom uttered.
"Mom," tawag ni kuya Sylus.
Mom shook her head. "I... I want to hear, okay? I am your Mom and I deserve to know what happened to your Dad,"
Napalunok ako. Tumango si kuya Silver sa Doctor na magsalita na.
"Mr. Gregory has blood clot in his heart," panimula ng Doctor.
"Blood clot? A-ano ang nangyari sa kaniya kanina, kung ganoon?" Mom asked as she cry again.
"Blood clots in the heart prevent blood flow, which can lead to cardiac muscle death. Ang nangyari sa kaniya kanina ay heart attack. The blood clot block the flow of blood on his heart, that's why."
"Is he okay now?"
"Ma'am, please wait for the mean time, we are examining him as soon as possible. We are doing are best to find a cardiologist doctor."
"It's that the problem? We can move him in other country. You know, Dr. Fernand, I will not risk his life." Mariing sabi ni Mom.
"If that's what you want, Mrs. Reeve. I have a friend who's Cardiologist doctor in America, I can contact him if you want."
Saglit na tumingin si Mom kay Dad at muling tumingin kay Doctor. Walang pagaalinlangan siyang tumango.
"Contact your friend, then, Doctor."
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
RomancePort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...