Masarap sa balat ang init na tumatama sa aking katawan. Lakad takbo ang ginawa ko sa oval ng subdivision namin.
Umupo ako sa bench at uminom ng tubig. Marami akong kasabay na mga naja-jogging rin. Pinatay ko ang music at lumanghap ng sariwang hangin.
I missed this. Iyong hindi lang tuwing Saturday na ginagawa ko ito.
Tumayo ako at muling tumakbo pauwi sa bahay. Pagkapasok ko doon ay dumiretso agad ako sa kusina kung nasaan sila Mom and Dad na kumakain.
I greeted and kissed them before I proceed to my room. Naligo muna ako bago bumaba sa kusina. Wala na sila Mom and Dad dahil pumasok na. Kumain muna ako bago bumalik ulit sa kwarto ko.
I already missed my two brothers!
"Hello, baby girl, what's up?" Bungad ni kuya Sylus na halos wala ng mata sa pagkangiti.
Kumaway ako. "Hello, kuyang pogi! Where's kuya Silver po?"
"Room. Tulog pa. You want me to call him?"
"Ah, no! Tayo na lang po kung ganoon,"
He pouted. "Mukhang 'di ka pa yata masaya na ako lang,"
"I am happy, kuya. No words can explain how much I am happy seeing you right now,"
"Paano pa kaya kapag nand'yan na kami, edi hindi mo na talaga maexplain ang saya mo," he laughed and I just smirked.
Tsk. Magaling talaga itong kuya ko!
"Anyway, I want you to fix your documents as soon as possible. Ako na ang bahala sa papasukan mo dito."
Tumango ako. There's no choice to urge this with them. As long as ayoko na umalis dito at dito na lang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo ay hindi ko magagawa. They decide already, anyway.
Isang oras pa kaming nag-usap ni kuya bago nag paalam.
Nagbihis ako ng dress at flat shoes. Aalis kami ngayon ng mga pinsan ko. They want to refresh dahil hectic na daw agad ang ginagawa nila sa school kahit isang buwan pa lang.
Nagmadali akong maglakad papasok sa mall ng magtext si Angel na ako na lang ang hinihintay. Pagkapasok ko pa lang sa restaurant kung saan kami kumakain ay kita ko na agad ang mga pinsan ko sa malaking table na nagtatawanan. Rinig ang malalakas nilang tawa na parang sa kanila itong restaurant kaya marami ring nakatingin sa kanila.
Lumapit ako sa kanila at pumagina kay Katrina at Angel.
"Always late," Angel uttered,
"Hehe. Sorry."
"Let's go now!" Kuya Alli said.
Pumunta kami nila Angel at Katrina sa boutique na bibilhan namin ng sandals habang ang mga pinsan kong lalaki ay sa billiards naglalaro.
Naghanap ako ng sandals na two inch lang ang tangkad. I'm not fond of heels kaya hindi ako namimili ng matataas ang takong.
Pagkabili namin ay sinunod namin ang KTV. We are all self-proclaiming singers. Haha. Mahilig kaming kumanta lalo na ako pero mahiyain ako sa iba.
"Wait, I remembered the last you sang, Nicole, what's the title of that song?" Angel asked as she flipped the pages of song book.
"Sa ngalan ng pag-ibig by December Avenue, why?"
She shrugged and looked at me, intently. "You are singing this because of someone..."
Hindi iyon tanong. Dinumbol ng kaba ang aking dibdib. Like she knew all about me. Naalala ko noon na siya iyong nag upload ng picture na makikita akong kumakanta habang nakatingin kay Trent. And I guess, she scanned that picture.
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
Storie d'amorePort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...