Chapter 13

3.8K 81 4
                                    

Masakit isipin na bukas ay mawawala ang taong mahal natin. Kagabi masaya tayo pero hindi natin alam ang mangyayare kinabukasan. Hindi natin alam ang iniisip ng bawat isa. Kung anong balak o may balak ba.

At ito...

Itong taong nasa harapan ko ngayon... ang taong minsang naging nakakatakot sa aking paningin dahil sa kaniyang titig at tingin na hindi maalis sa akin. Ang taong gumulo sa aking buong sistema tuwing nakikita. Ang taong kapag nagsalita ay may malalim na kahulugan. At ang taong... nagparamdam ng sakit sa akin ngayon.

I immediately look down when I felt my tears flowing down on my cheeks. Mabilis ko naman iyong pinalis.

Bakit ako umiiyak? Wala namang nakakaiyak sa pinag-uusapan namin? Wala naman siyang sinabi o ginawa para maging ganito ako. Pero bakit ganito ako? Bakit ang daming 'pero'?

He cupped my face at inangat iyon pero tumingin ako sa ibang direksyon. I don't want him to see me like this! Ayaw kong umiyak sa harapan niya! Ano na lang ang iisipin niya sa akin? Na iyakin ako kahit wala namang nakakaiyak?

"Baby... please, look at me,"

Shit! Pakiramdam ko ay may humaplos sa aking puso sa lambing ng boses niya. Kinagat ko ang aking ibabang labi ng may tumulo na namang luha sa aking mata.

Why so sweet?

"Shit! What happened? Are you okay? Please, tell me, I am worried!"

Umiling ako at pilit na tumungo ngunit hindi ko nagawa dahil ang kaniyang kamay na nasa mukha ko ay pilit na pinapaharap sa kaniya.

"Baby..."

Humarap na ako sa kaniya ng hindi pa rin siya sumuko sa pagpapaharap sa akin sa kaniyang mukha.

So persistent!

Ang nag-aalalang mata niya ang una kong napagmasdan ng tuluyan kaming magkaharap.

Bakit kinatakutan ko ang ganitong klaseng mata noon? Ang makita ang mga mata niyang ganito kaalala sa akin ay tunay ngang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko ang mga nagsasayang kulisap sa aking t'yan.

Nagulat ako ng yakapin niya ako. Hindi ako makagalaw dahil sa biglaan niyang ginawa. Bumagsak ako sa kaniyang dibdib at rinig ko ang tibok nun.

Humawak ako sa magkabilang gilid ng damit niya. I should be shocked on what he did! Dapat ay sumigaw ako at kanina pa siya tinulak! Pero lahat ng iyon ay hindi ko naramdaman.

Umayos ako sa pagkakatayo ng humiwalay siya pero ang kaniyang dalawang kamay ay nasa mukha ko pa rin habang dahan-dahan na pinupunasan ang luhang umalpas kanina.

"Are you ok now? Please, baby, answer me!" Mahina niyang sabi.

Tumango ako.

Ngunit hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Still worried pa rin.

I smiled weakly at him. "I... I'm f-fine," I assured pero hindi pa rin nakawala sa aking boses ang pagkautal.

Dahan-dahan siyang tumango, parang ayaw pang maniwala sa aking sinabi.

"Please, don't smile! You are making me... argh! Just please, don't make me jealous!" Hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya.

Kinagat ko naman ang aking labi.

Nagselos siya? Saan at kailan iyon?

"You jealous? Because of what?" Hindi makapaniwala kong tanong.

Umiling siya. "Just... nevermind,"

Ngumuso ako at hindi na nagsalita. Napansin niya ang lungkot sa aking mukha.

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon