Halos batuhin ko si kuya Silver ng unan ng gisingin ako ng maaga. Pagod ako dahil sa mga ginawa namin kagabi na kasalanan niya tapos guguluhin niya ako ngayon sa pagtulog.
"Kuya! Get out!"
Tumawa siya ng malakas at pinangharang ang unan na binato ko sa kaniya habang lumalapit sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at humiga na lang ulit. Naramdaman kong lumundo ang gilid ng kama ko.
"Baby, get up now, please. Cook for me, I am hungry,"
Hindi ko siya pinansin at tinakpan ang mukha ko ng kumot. Matutulog ako, kuya. Ngunit 'di ko nagawa 'yun ng hilahin niya ang kumot ko at kilitiin ako sa bewang.
"Kuya!" I hissed while laughing.
Hindi niya ako tinagilan hanggang sa dalawang bewang niya na ang kinikiliti ko. Tawa lang ako ng tawa habang ganun rin siya sa ekspresyon ko.
"O-okay, f-fine..." sabi ko at tinigalan niya naman. "Labas ka na, maliligo lang ako."
Sumunod naman siya habang ako'y inayos ang kama ko. Pagkatapos kong maligo at magbihis ng pambahay ay lumabas na rin ako. Nakita ko kaagad silang dalawa na nanunuod ng kung ano sa sala.
"Good morning!" Bati ko at dumiretso na sa kusina.
Habang nagluluto ako ng adobong manok ay pinapanuod naman nila akong dalawa. Gusto nilang matutong magluto pero ayaw naman nila kapag tinuturuan ko na sila. Minsan lang rin ako magturo dahil busy at hectic ang schedule ko para sa pagtatapos. Halos araw-araw ako ang nagluluto ng ulam namin. Sawa na rin kasi ako sa mga order.
"Adobong manok? That's good, baby!" Ani kuya Sylus na mukhang excited ng kumain.
"Kawawa magiging asawa niyo..."
"But why?" They asked in chorus.
"Hindi niyo sila malulutuan. Malakas pa naman sa appeal naming mga babae ang lalaking marunong at masarap magluto." Sabi ko na parang iniimagine iyon.
"What? Really? Then, I should've learn to cook." I agreed on what kuya Silver said.
"Magaling naman ako sa ibang bagay..." Kuya Sylus smirked.
I laughed and drink a water. "Saan naman?"
"Sa kama..."
Halos mabulunan ako sa sinabi niya. Ngumisi siya dahilan para batukan siya ni kuya Silver. Tumawa na lamang ako at tinuon ang atensyon sa niluluto ko. Inayos naman nila ang lamesa at mga gagamitin namin sa pagkain.
Nang matapos ay nilagay ko sa malaking mangkok ang niluto ko at hinain sa lamesa. Habang kumakain kami ay hindi maalis ang topic tungkol sa graduation ko. They are all excited about that. Excited naman ako pero hindi ko kinaya ang excited nila.
"After your graduation, we'll fly back at the Philippines."
Tumango ako. Ramdam ko ang excitement sa buong sistema ko. Yes, after five years, babalik rin ako sa Pilipinas.
"Si Mom and Dad, kailan pupunta dito?" Tanong ko at uminom ng tubig.
"Next week."
"What gift do you want to receive, baby?" Tanong ni kuya Silver.
"Anything will do,"
Pagkatapos naming kumain ay bumalik ulit ako sa kwarto. Lumabas ako at dumiretso sa veranda. Ang malakas na hangin ang sumalubong sa akin. Ang naggagandahan at naglalakihan na building ang unang makikita. I've been here for five years pero tuwing nakikita ko ito ay parang bago lang ulit ako na namamangha sa ganda.
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
RomancePort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...