Habang papunta ng Bigaho Falls ay puro tulog lang ang nagawa ko. Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa mga sinabi ni Trent. Buti na lang talaga ay kahit papaano'y nakatulog sa biyahe.
Umupo ako sa malaking bato roon. Hindi mainit dahil napapalibutan ng mga malalaking puno. Ang mga bato sa taas ay parang pinagpatong-patong lang habang doon dumadaloy ang mga tubig.
Linublob ko ang aking paa sa tubig habang kinakampay.
Mariin na napapikit ako ng maalala ang mga sinabi niya kagabi. Hindi ko alam ang dapat na maramdaman. Kabahan o kiligin. O dapat akong mangamba dahil parang threat iyon sa akin.
I don't know! Bakit parang wala doon ang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang naghuhumarentado pa ang puso ko?
Napatili ako ng malakas ng may biglang humila sa paa ko dahilan ng pagkadulas ko, ngunit bago pa ako mabagsak sa tubig ay sinalo na ako ng kung sino mang humila sa akin.
Nang inangat ko ang ulo ko sa tubig ay sinamaan ko ng tingin si Roui. Siya iyong humila sa akin. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niya. Lalo na't bigla siyang sumulpot dito.
Tumatawa siyang inaayos ang buhok ko. Linagay niya lahat iyon sa likod ko.
"I'm sorry! I just want to surprise you and I guess, I did, somehow, I know you don't like it." He said in a low voice.
Tinignan ko ang mga kasama namin. Nawala na sa amin ang tingin nila at nagsimula na ulit mag-ingay. Pero napako ang tingin ko kay Trent na masama ang tingin sa akin.
Ang nararamdaman kong inis ay nawala at napalitan ng kaba at panginginig sa aking buong katawan. Hindi naman malamig ang tubig pero hindi ko mapigilan na manginig.
Nawala ang atensyon ko sa kaniya ng lalo akong idiin ni Roui sa kaniya. Ang dalawa niyang kamay ay mahigpit na nakapulupot sa aking bewang. Habang ang kamay ko'y nakaharang sa dibdib ko, upang 'di magtama ang aming katawan.
Muli akong tumingin sa kaniya. Mas lalong naging masama ang tingin niya at nakataas ang kilay habang nakakunot ang noo. Paano niya nagagawa ng sabay-sabay ang lahat ng iyon?
"R-roui, let me go," mahinang usal ko.
"Ow! I'm sorry!"
Dahan-dahan niyang tinanggal ang kaniyang kamay sa aking bewang. Bahagya pa akong lumayo at sumandal sa bato na kaninang inupuan ko.
"You cold!" He worriedly said.
Hinaplos niya ang leeg ko kaya naman bigla akong napalayo sa kaniya.
"I... I'm sorry! I just want to check if you are okay. Let's go, I'll escort you to the cottage."
Hindi na ako nagsalita ng muli niyang ipulupot ang kaniyang kaliwang kamay sa aking bewang at ang isa'y hinawakan ang aking braso.
"What happened to her, Roui?" Kuya Allais asked ng makadaan kami sa pwesto nila.
"She's cold." He answered.
Masama ang tingin ni kuya kay Roui. Nang tumingin sa akin ay may bahid na pag-aalala sa kaniyang tingin.
"You okay? You want me to take our medicine?" He asked.
Umiling ako. "I'm fine, kuya. Kailangan ko lang siguro ng t-tulog. Ah! Oo, tulog po."
"Tulog? Hindi ka ba natulog kagabi?"
"E, kasi, kuya, remember, noong tinawagan mo ako kagabi kagigising ko lang noon kaya hindi na ako dinalaw ng antok."
Great, Nicole! Magaling ka!
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
RomancePort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...