Chapter 21

3.2K 61 0
                                    

Kuya Allais:

Be careful, girl. Trent is no good for you. Trust me.

Napasinghap ako sa nabasa ko. Umagang-umaga at kagigising ko lang ay ito na agad ang mababasa ko.

Ngayon lang naging ganito sa akin si kuya Allais. Alam kong nag-aalala lang siya sa akin para sa amin ni Trent pero gusto ko na pagbigyan niya ako. Dito ako masaya. Kay Trent ako masaya.

Bumuntong hininga ako at nagtipa ng sagot.

Me:

Kuya, I am happy with Trent. Please, don't be mean to him.

Pagkatapos kong isend iyon ay naligo at nagbihis na ako. Hindi ako makakapasok ngayon dahil uuwi na sila kuya. Kaming magpipinsan ang susundo habang si Angel at kuya Lin ay linilibot muna si Mom and Dad.

Kuya Silver and kuya Sylus ang nakaisip ng pakulo na supresahin ang magulang namin. Imbes na sila ay mas ginusto nila na magulang na lang namin. Si Angel at kuya Lin ang bahala kila Mom and Dad habang kami'y susunduin sila kuya. Tapos sa bahay naman ay si Manang at mga katulong ang bahala.

"Nicole, nandito na ang kuya Lion mo." Sabi ni Manang ng makapasok sa kwarto ko.

Tumango ako at mabilis na lumabas. Ang family car nila kuya Lion ang gamit namin dahil madami kaming magpipinsan na magsusundo. As long as Angel wants to come with us, ay hindi pwede, siya kasi ang inatasan ni kuya Silver sa magulang namin. Si kuya Lin naman ay ayos lang sa kaniya.

Nang magtama ang mata namin ni kuya Allais ay agad akong umiwas. Kahit mabilis ay kita ko ang sama ng tingin niya sa akin.

I'm sorry, kuya. I love Trent.

Pumasok ako sa loob at umupo sa pinakagitna, katabi ni kuya Allais at Katrina. Wala na akong nagawa dahil ito na lang naman ang space dahil sa likod ay doon sila kuya mamaya.

Kinuha ko ang earphone ko at sinalpak iyon sa tenga ko. Kung anu-ano ang pinatugtog ko at malakas na volume para kung sakaling kakausapin ako ni kuya Allais ay hindi ko marinig.

Nagulat ako at nagbukas ng mata ng may kumuha ng isang earpiece. Nang nilingon ko iyon ay nakita ko si kuya Allais na nasa tenga niya na iyon. Good. Wow. Paano ito? Kinagat ko ang aking ibabang labi ng bumilis ang tibok ng dibdib ko. Kuya Allais is looking at me intently.

"I want to sleep, can I lean on you?" Anang niya sa mababa na boses.

Bumuka-buka ang bibig ko. Hindi ko alam ang isasagot. Umiwas na lamang ako ng tingin at hindi pa nakakasagot ng maramdaman ang ulo niya sa aking balikat. Kinontrol ko ang aking kaba para hindi niya maramdaman.

Nang unti-unti akong nasanay ay pinagwalang bahala ko na. Hindi ko namalayan na nakatulog na rin pala ako. Nagising na lamang ako ng maramdaman na may pumipisil sa kamay ko. Dumilat ako at ganoon na lang ang gulat ko ng si kuya Allais iyon. Linibot ko ang aking tingin sa loob ng sasakyan, kaming dalawa na lang. Great.

Umabresyente ako at umayos ng upo. Kaba ang namayani sa akin ng magtama ang mata namin ni kuya Allais. I never felt this feeling anymore, ngayon lang. Kuya is always vigilant and cautious on me but now, I see threats in his eyes.

"You're loving the wrong person, Nicole. Akala ko'y matalino ka, pero bakit ngayon hindi mo iyon magamit? Huh?" Anito at matalim na tinignan ako.

I bit my lower lip when I started to convulse in twittering. "K-kuya, kilalanin mo muna si T-Trent, please...."

He laughed sarcastically. "Kilalanin? I already knew him, Nicole. Ikaw, kilala mo ba?" Sabi niya at lumabas na.

Napatigil ako sa sinabi. Napalunok ako at mapait na ngumiti. Alam ko naman, kuya. Minahal ko na siya ngayon kahit hindi ko pa siya kilala ng tuluyan. Pero marami kaming oras para kilalanin ang bawat isa.

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon