Chapter 32

3.3K 60 2
                                    

After five days in Manila, finally, I came back here in Port Barton. Fresh wind blown on me as I walk in, in the beach. Kauuwi lang namin kanina at napagpasiyahan ko na maglakad muna sa tabing-dagat dahil namiss ko rin ito.

Trent is still in Manila. May importante daw siyang kailangan gawin sa kompanya nila na hindi pwedeng iwan. It's okay for me, I agreed to that because it's their company. Hindi lang talaga ako mapakali na kasama niya doon si Ezra. But he assured to me that he'll go here after his important thing.

Pagkatapos ay umuwi na rin ako agad at nagpahinga. Nagising na lamang ako sa ingay na naririnig ko sa baba. Naglinis muna ako bago bumaba, nasa kalagitnaan na ako ng hagdanan ng makita ang mga kaibigan nila kuya Silver at kuya Sylus na maingay na nagkukuwentuhan at nag-iinuman.

They all stop when they saw me. Kuya Silver look at me while kuya Sylus smiled at me. Tumango na lamang ako at nagtuloy na sa pagbaba papunta sa kusina.

"Nicole, my sister..." Rinig kong sabi ni kuya Silver.

"Pakilala mo ako Silver,"

"Gago!"

"Already have a boyfriend." Sagot naman ni kuya Sylus.

Dumiretso na ako sa kusina at naghanap ng makakain dahil dama ko na ang t'yan kong kumukulog na sa gutom. Saglit akong nagluto, pagkatapos ay kumain.

Habang kumakain ay kinalikot ko ang phone ko dahil sa sunod-sunod na pag pop-out ng notification at messages.

Alexa: Busy? Reunion ngayon ng batch natin, do you want to come?

Me: Really? Okay. Ngayon ko lang ulit sila makikita.

Alexa: Okay, you feel excited. Hahaha. Anyway, paalam ka na sa kuya Trent mo baka mag-alala 'yun at ako ang bulabugin.

Me: Yes, of course!

Nakaramdam ako ng saya at excitement habang binabasa ang convo ng mga dati kong kaklase. I still remember their face and names, it's only five years and I guess, they changed a lot.

Minadali ko ang pagkain dahil nangungulit na sa akin si Alexa na bilisan ko dahil susunduin niya na lang daw ako maya-maya and I should be ready 'bout that.

How are they after five years? They already have family na ba? What are their works? Maraming tanong ang naiisip ko. I remember, I did stop communicating them after what happened years ago. I hope they're not mad at me.

Nagulat ako ng biglang may pumasok sa kusina. Tinignan ko lamang siya at aalis na sana ng magsalita siya.

"Nicole..."

Napalunok ako at tinaasan ng balahibo ng tawagin niya ang pangalan ko. Who is he? I don't want to assume but I hope he's not other guys out there who's interested to me.

"Trent is your boyfriend, right?"

I stared at him and nodded. He even know Trent.

"Why?"

"Chill, don't be rugged. Trent was my basketball team back then..."

Tumango na lamang ako. May dahilan naman pala siya kaya niya nalaman ang pangalan ni Trent.

"And?"

"Tell him his Captain is already here, it's been a long time since I saw him. "

"Makakaabot. Mauna na ako."

Tumango na siya at nauna na ako. Mabilis akong dumiretso sa kwarto at tinawagan muna si Trent para magpaalam.

"Why took so long? Sobrang busy ba?" I aksed ng pangatlong tawag niya ako sinagot.

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon