Maaga akong nagising ngayon dahil ito ang araw na kukunin namin ang card naming dalawa ni Alexa. Panatag ang loob ko na maayos ang mga grado ko dahil nag-aaral naman ako ng maayos at wala namang nanggugulo sa akin.
Naabutan ko sina Mom at Dad na nasa kusina habang kumakain. Lumapit ako sa kanila at humalik sa kanilang pisngi at umupo sa harapan ni Mom.
"Do you have plans now?" Tanong ni Mom ng makitang naka-ayos ako.
Tumango ako. "Kukunin po naming dalawa ni Alexa ang card namin."
Napangiti silang dalawa. Alam ko na ang iniisip nila. Well, maski naman kami ay parehas lang ang iniisip. Na mataas at maayos ang gradong makukuha ko.
I am their only girl child kaya inaayos ko talaga ang pag-aaral ko. Ang mga kuya ko kasi ay loko-loko noon habang nag-aaral kaya ginawa talaga lahat ni Mom and Dad para magtino sila kuya. At mabuti ngayon dahil kung hindi ay baka hindi na sila naka-graduate.
Hindi naman nila ako pini-pressure sa pag-aaral. Ang gusto lang nila ay maging maayos ako at komportable sa pag-aaral.
"Paniguradong matutuwa ang Mamita at Papa mo kung nabubuhay pa sila. Am I right, Dad?" Nangingiting sabi ni Mom sabay harap kay Dad.
Naikwento kasi sa akin ni Mom kung gaano naging malupet ang Mamita at Papa kay Dad. They always want the best. Hindi pwede sa kanila ang 'ayos na 'yan' o 'pasado na 'yan'. Naging mahigpit din sila noon kay Mom and Dad. And luckily, my Dad did his best to win my Mom. Pag hindi niya kasi inayos ang pag-aaral niya at hindi nakapasok sa pinakamataas na Unibersidad sa Canada ay paghihiwalayin silang dalawa.
Matapos kumain ay nagpaalam na ako sa kanila na aalis na. Pagkalabas ko ay pumasok agad ako sa sasakyan ni Alexa.
"Sana ay magkaklase pa rin tayo," hustisyon niya.
This is our last year of high school. Sa susunod na taon naman ay college na kami.
I've been friends with Alexa since we were second year high school. Noong una ay hindi kami masyadong magkasundo dahil may mga bagay na alam niya na hindi ko alam. Or maybe, we can say, medyo liberated itong si Alexa habang ako ay inosente. Madalas hindi nagkakasundo sa bagay-bagay pero we are trying our best na magkasundo.
Marami rin nagsasabi sa akin na isip-bata ako. I don't know why I am happy when they are always telling that to me. Ang sabi nga ni Alexa at mga kaibigan ko ay insulto iyon para sa akin. But, I don't find it insulting me. Mas gusto ko nga iyong bata ako sa paningin ng marami.
Maramdamin din ako. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit iyon ang sinasabi nila sa akin. Natatakot ako sa unting awayan at lalo na kapag tuwing pinapagalitan ako.
Pagkarating namin sa school ay agad kaming pumunta sa registrar. Marami kaming mga kasabay na kumukuha rin kaya pumila muna kami.
"Tingin mo magkaklase pa rin tayo?" Tanong ni Alexa habang nakahalukipkip.
"Pwede. Alam mo namang tandem tayo pagdating sa grades." Kinindatan ko pa siya.
Parehas kaming honor ni Alexa sa klase. Ako nga lang ang una at siya ang sumunod. Pero hindi naman nagkakalayo ang agwat ng grades namin.
Napahinto kami sa pagkukwentuhan ng marinig ang tilian ng mga kasabay namin. Agad akong tumingin kung saan sila nagkakagulo.
Nagulat ako ng malakas na pinaghahampas ako ni Alexa sa braso. Nang tinignan ko siya ay nakatingin na siya sa mga pinsan ko na naglalakad at mukhang katatapos lang mag basketball.
Ano naman kaya ang ginagawa nila?
"Alexa!" Sigaw ko at medyo lumayo na sa kaniya ng ayaw niya pa rin tantanan ang braso ko.
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
Roman d'amourPort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...