Chapter 11

4K 62 4
                                    

"Please own my promise to you, baby! Please! Own my promise! Cause it's been seven years since I owned you!"

Baby!

Napabangon ako sa pagkakahiga pagkatapos mapaginipan iyon. Napahawak pa ako sa aking ulo ng bigla akong nahilo. Nabigla kasi ako sa pagbangon kaya ganito.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Ang dilat kong mata ay hindi na muling nakaramdam ng antok.

Kinagat ko ang aking ibabang labi ng sunod-sunod na marinig ang boses ni Trent na sinasabi ang katagang 'yon.

Baby? Seven years?

This is the first time someone calling me a 'baby'. My brothers and cousins are used to call me that way. Wala pang ibang nagsasabi sa akin noon. Kundi isa lang... at si Trent iyon.

Napahawak ako sa aking dibdib ng naghumarentado na naman iyon.

Bakit noong tinawag niya ako na ganoon ay parang iba ang pakiramdam sa akin? Bakit parang bago sa pandinig ko? O baka dahil siya lang ang ibang unang tumawag sa akin ng ganoon kaya iba sa akin?

And what does he said? Seven years?

"Cause it's been seven years since I owned you!"

Seven years niya na akong minay-ari? Ganoon ba?

Hindi ko maintindihan!

Ang hirap rin iproseso sa utak ang mga sinabi niya! Para bang tuwing kaming dalawa na lang ay lagi siyang may pasabog. Pasabog na hindi mawala-wala sa isip ko at lalo pang tumatatak.

Lahat ay ginawa ko para makatulog ulit. Kinabukasan ay antok na antok ako pag gising. Paano'y mga ala-singko na yata ako nakatulog.

Habang naliligo ako ay pinagmasdan ko ang aking mukha. Lumaki ang aking eyebags at nagkaroon rin ng tigyawat sa ilong.

My gosh! Seriously?

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako sa sala dala ang aking gamit. Mom and dad are eating when I entered the kitchen.

"Good morning po," bati ko sa kanila ay humalik sa kanilang pisngi.

"Good morning, too, beautiful," bati ni Dad.

Umupo ako sa tapat ni Mom. Nagsimula na akong kumain.

"What happened to you? Nagpuyat ka ba kagabi? Marami bang assignments?" Mom asked.

Tumango ako. "Opo. Nakakapagod nga po, e,"

Great! Natuto ka na talagang magsinungaling sa mga magulang mo, Nicole!

"And you have a pimple, ah," natatawang sabi ni Mom at tinuro ang nasa ilong ko.

Ngumuso ako.

Ayaw na ayaw ko talaga na magkaroon ako ng tigyawat sa aking mukha. Maski sa buong katawan ko ay dapat malinis ako. Ayaw ko ng may mga tumutubo sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay sumabay na ako sa kanila sa pagpasok. Hinatid nila ako sa school at umalis na rin sila agad papuntang kompanya ng Reeve.

Maingay ang classroom ng makapasok ako. Nandoon na rin si Alexa kausap ang mga kaklase namin kaya umupo na rin ako sa tabi niya.

"Good morning," she greeted and I greeted, too.

"Nicole, nga pala, iyong lalaki sa labas kahapon..."

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon