Chapter 39

4.1K 65 0
                                    

Nagpakawala muna ako ng malalim na hininga habang pinagmamasdan ang mataas at malaking building sa harapan ko. Kinagat ko pa ang aking labi habang nakatingin sa bukana nito kung saan maraming tao ang pumapasok at lumalabas.

Naramdaman ko na lang ang kamay ni Dad na hinawakan ako sa aking balikat.

"You'll get used to it, anak."

Ngumiti ako at tumango.

Sabay na kaming pumasok ni Dad at lahat kami'y binabati. Ngumiti na lamang ako sa kanila.

Napatigil kami ng salubungin kami ni Mr. Dela Viste kasama ang iba pang associate members ng kompanya namin.

"Good morning, Mr. Reeve and your daughter, Ms. Reeve." Bati niya sa amin at tumango.

Ako rin ay tumango at bumati.

"Are they now ready?"

"Yes, Mr. Reeve."

Tumango si Dad at sabay-sabay na kaming dumiretso kung saan kami magme-meeting. Dad will announce me as a new C.E.O. Naramdaman ko ang panlalamig ng aking kamay.

Nang makapasok kami sa meeting room ay lahat sila'y napatayo at yumuko sa amin. Minuwestra sa akin ni Dad ang aking uupuan sa unahan. Lumapit naman sa akin ang secretary niya at inabutan ako ng manipis na book.

"Thank you!" Sabi ko at tumango siya at bumalik na sa kaniyang pwesto.

"Good morning everyone, I called all of you to announce the new C.E.O of this company. I am glad because after years of preparing, she's here, my daughter, Nicole Shekinah Reeve as the new C.E.O."

Tumayo ako ng magpalakpakan sila at yumuko sa kanilang lahat. Lahat sila'y nakangiti at walang halong pangamba o maririnig na bulungan sa kanila.

Lumakad ako at pumwesto sa pulpit.

"Good morning everyone, I am the new C.E.O—Nicole Shekinah Reeve, I hope we'll be a good partners and I promise to do everything as the best C.E.O."

Muli silang nagpalakpan at ako nama'y muling yumuko pagkatapos ay bumalik sa aking upuan.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang pag-uusap at ng matapos ay sumabay ako kay Dad kumain sa lobby nito. Buti na lang talaga at pinakalaki nila akong walang arte sa kahit anong bagay.

"Dad, thank you po pala,"

"For what?"

"Sa lahat po, I just appreciate how good you are as a Dad to us po,"

"That's my responsibility, anak, hindi ko kaya binuhay para walang gawin sa inyo, ang gusto lang namin ng Mom niyo ay magawa ang responsibilidad namin bilang magulang."

Habang nagsasalita siya ay wala akong ibang nagawa kundi ngumiti. Napakaswerte ko talaga sa kanila.

"Salamat po,"

Umiling siya at sumubo. "Kumusta na pala kayo ng boyfriend mo, anak? Nagkaayos na ba kayo?"

Tumango ako.

"We're sorry on what we did, anak, ginawa lang namin yun para maayos muna ang kaniyang relasyon sa pamilya ng Quintan."

"Okay lang po yun, nagkaayos na naman po kami."

"Nagalit ka ba sa amin ng Mom mo?"

Mabilis akong umiling. "Hindi po, ah!"

Tumawa siya at inubos na lang namin ang pagkain namin.

"Take care, Dad, I love you!" Sabi ko at humalik sa kaniyang pisngi.

"You take care, too. I love you too, anak."

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon