Pagkatapos ay pinatay ko na ang phone ko at humilig sa upuan. Hindi naman matagal ang biyahe kaya nakarating din agad kami sa resort na ii-stay-an namin sa loob ng apat na araw.
Bumaba agad kami sa sasakyan. Nakita ko agad ang tatlo kong mga pinsan kasama ang mga kaibigan nila. Medyo gulat pa ako sa dami ng kasama. Mukhang nasa thirty yata kami. But, its ok. Mukhang mga close rin ng mga kaibigan nila ang mga kaibigan ng pinsan ko.
"Mukhang kulang ang binili natin na groceries." Natatawang sabi ni Angel habang naglalakad kami papunta sa kanila.
I nodded. Mukhang kulang nga talaga, "pwede naman tayong kumain na lang dito."
"Ano ka ba! Syempre, para kapag nasa room na tayo, may mangunguya tayo at hindi na kailangan pang lumabas para ang kumain at bumili." She said and I just nodded.
Lumapit naman sila sa mga kaibigan nila. Tuloy ay ako lang mag-isa.
Pinagmasdan ko ang paligid. Sobrang ganda at ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito.
PEACE AND LOVE RESORT
"Come here, Nicole!" Sigaw ni kuya Alli sa akin.
Lumapit naman agad ako sa kaniya.
"Baby, this is all my friends," turo niya sa mga kaibigan niya na nasa harapan namin.
Limang lalaki at dalawang babae. Tumango at ngumiti ako sa kanila noong pinakilala na ako ni kuya Alli. Nakipag-kamay pa ako sa kanila ng maglahad sila ng kamay sa akin.
"She's beautiful, Allison." Matigas na ingles na sabi ng kaibigan niyang Amerikano.
Nahihiyang tumango ako.
"Well, we are Reeve! What do you expect us to be?" Natatawang sabi ni kuya at nakipag-apir pa.
Pagkatapos kay kuya Alli ay tinawag naman ako ni kuya Lin sa isa niyang kaibigan na kasama.
"He's Peter." Pakilala ni kuya.
Nakipag-kamay naman siya sa akin at tinanggap ko iyon.
"Nicole."
"Soon to be doctor." Ngisi ni kuya sa kaibigan niyang si Peter.
Tumango na lamang ako. Hindi agad kami pumasok dahil binababa pa lang ng mga lalaki ang mga gamit namin sa likod ng mga kotse. Pinakilala rin ako ni Katrina, Angel, at kuya Lion sa mga kaibigan nila.
Medyo nailang pa ako sa mga sa kaibigan na ni kuya Lion dahil nandoon si Trent at iyon na naman ang titig sa akin. Serioulsy? Hindi ba siya nahihiya na baka may makakita sa kaniya na nakatingin siya sa akin?
"This is Nicole, my little cousin." Pakilala ni kuya Allais sa apat niyang kaibigan na lalaki.
"We all know her, Allais. You always mention her in our conversation." Natatawang sabi ng kaibigan niya.
Natawa si kuya. "I just can't help but to mentioned her. She's precious to us."
"Wow! Kuya's proud!"
"Mukhang ikaw ang lucky charm ng mga Reeve." Natatawang dagdag pa ng isa.
Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Pagkatapos nilang mababa lahat ng gamit ay pumasok na kami. Ako at si kuya Lion ang umasikaso sa lahat ng bayarin gagamitin na rooms.
![](https://img.wattpad.com/cover/139595513-288-k115088.jpg)
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
Roman d'amourPort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...