Inayos ko muna ang aking sarili bago pumasok sa loob. Nagulat ako at nagsimula na namang manginig ang katawan ko ng makitang ang pamilya na lang namin ang nandito.
Tinignan ko sina Mom at Dad na mahinahon na nag-uusap. Si kuya Sylus ay nakatingin sa akin habang may katawagan. Natutop ako sa aking kinatatayuan ng makita si kuya Silver na nakaupo at diretsong masamang nakatingin habang naka-krus ang kamay.
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para bang unting galaw ko lang at pag tumingin siya sa akin ay para may masama na akong nagawa.
"Ayos ka lang?" Ngayon ko lang napansin na nakalapit na pala sa akin si kuya Sylus.
Napalunok ako at dahan-dahan na tumango. Inalalayan niya akong makaupo sa sofa sa tabi ni kuya pero mas pinili ko iyong sa single sofa. Ramdam kong ayaw akong tignan ni kuya.
"Do you want to eat? I'll buy a food, what do you want?" He asked and I just shook my head.
"Hindi ako g-gutom, kuya. Ako na ang bahala rito, magpahinga na kayo."
"Nope. Kaya ko pa, okay?"
Umiling ako. Mapapansin agad ang paglaki at pagitim ng eyebag niya. Hinaplos ko iyon dahilan para mapapikit siya.
"You all need rest. Ako na ang magbabantay kay Dad."
"O-okay." He nodded. "Kuya, Mom, let's go, mamayang hapon na lang ulit tayo bumalik. We all need to rest to watch Dad."
Tumutol pa si Mom pero hindi ko na pinayagan pa na dumito siya. She need to sleep. Alam kong pagod na sila sa kakabantay ng walang tulog.
Nang masara nila ang pinto ay lumapit ako kay Dad at hinawakan ang kamay niya. Gagaling ka, Dad. You need to get better for us and of course for youself. Marami ka pang hindi nagagawa na kailangan gawin kasama kami.
"Is kuya Silver okay?" Tanong niya. Napansin niya rin siguro ang pag-iiba ng mood ni kuya.
Tumango ako. "Opo. He's okay. Don't worry too much about him, Dad. Alam mong malakas si kuya,"
"Ikaw, okay ka lang ba?" Napatigil ako dahil hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako.
"Okay na okay po ako."
"Mabuti. Sumama ka sa amin sa America, anak. Gusto ko na kumpleto tayo."
Tumango ako at pilit na ngumiti. I pray to God whatever might happen to dad's operation will be succesful.
Nagkwentuhan kami ni Dad ng kung anu-ano. Hindi ko alam na parehas kaming nakatulog. Nagising na lamang ako sa ingay sa paligid ko. Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko ang mga pinsan ko na kumakain at nagkukwentuhan habang nanunuod. Tumingin naman ako sa gilid ko ng marinig si Dad na tumatawa, gising na pala.
Thanks to kuya Sylus na dinalhan ako ng damit kaya nakapagpalit ako. Sumama ako sa mga pinsan ko sa panunuod. Parehas na tahimik si kuya Silver at kuya Allais habang nakatingin sa pinapanuod. Piping nagpasalamat na ako lang ang nakapansin sa kanilang dalawa.
Nang gumabi rin ay umuwi na rin agad ako. Ako lang ang nandito sa bahay at mga katulong namin. Naligo at nagbihis at sumampa ako sa kama.
Kinuha ko ang aking phone. Puro text ni Trent at Alexa halos lahat. Si Alexa ay nag-aalala na sa akin dahil kahapon niya pa ako hindi nakikita. Idagdag pa iyong hindi ko pagpasok ngayong araw. I remember I haven't told to her about Dad's condition.
Me:
Alex, papasok na ako bukas. Sorry.
Nagtipa ako ng sagot kay Trent.
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
RomancePort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...