Chapter 40

5.3K 82 2
                                    

"Ano ba, baka magalit si Trent at mga pinsan ko." kinakabahan kong sabi.

Paano itong si Alex dinala ako dito sa bar na 'to. Wala akong kaide-ideya sa gagawin namin dito.

Napatakip ako sa aking tenga ng malakas na tumunog ang speaker na nasa itaas ko lang. Lintek talaga 'tong Alex na 'to. Kinakabahan tuloy ako kung anong balak niya ngayon. Isa pa, hindi ko 'to nasabi kay Trent, paano'y kinuha niya ang phone ko at iniwan sa condo niya.

"Wag ka ngang mag-alala,"

"Paano ako hindi mag-aalala, huh? Baka magalit sila pag nalaman 'to,"

Napapitlag ako at napasunod sa kaniya ng hilahin niya ako at ipasok sa vip room ng bar na 'to.

Magpipipiglas na sana ako ng makita ang dalawa kong pinsang babae at mga babae kong kaibigan na nagkakasayahan na habang kumakanta sa videoke at nag-iinuman. Mukhang marami ng nainom dahil sa mga walang laman na bote na nasa lamesa.

"A-ano 'to?" nagugulahan kong tanong habang pinagmamasdan sila.

Muli niya akong hinila at tinulak paupo sa gitna nilang lahat.

"What is this, huh? Alex?"

Napasinghap ako ng magsitayuan silang lahat at pumwesto sa harapan ko.

Ano bang balak ng mga 'to?

"Ladies, please give around of applouse for our friend—Nicole, who's getting married tomorrow!" Malakas na sigaw ni Alex kahit naka microphone na.

Nagtititili sila habang pumapalakpak at ako nama'y sumabay sa palakpakan kahit walang kaalam-alam sa mangyayare ngayong gabi.

"Ladies, I know pinaghandaan natin 'to. Aminin na natin, nakakahiya man pero kailangan natin gawin 'to para sa ating kaibigan." muli niyang sabi at may pinindot sa videoke.

Natatawang tinignan ko sila ng malakas na tumugtog ang careless whisper.

"Let's g, ladies!" muli silang nagtititili at umayos ng pwesto.

Halos mataob ako sa aking kinauupuan ng magsimula silang gumiling habang iniikot ang kanilang kamay. Ito ang unang beses na nakita ko silang ganito. Hindi ko inaasahan ang bagay na 'to lalo na kay Katrina at Angel ngayon na tawang-tawa sa mga pinaggagawa nila.

Mababakas sa kanilang mukha ang hiya pero naguumapaw pa rin ang sigla nila. Mga mukha silang nakawalang bulate na hindi pa man naaasinan ay ang gugulo na.

Lalo akong napahagalpak sa tawa habang nakahawak sa aking t'yan ng kay Alexa na ang spotlight at naggigiling sa harapan ko habang pababang hinahaplos ang aking katawan.

This girl ain't serious, bruh!

Nang matapos sila ay pagod pero natatawang umupo. Ako nama'y hinila ng pinsan ko at pinaupo sa harapan nila.

"Get inside, boys, make her screams!" sabi ni Alex.

Nagugulat na napalingon ako sa pinto ng magsipasukan ang limang lalakeng nakamaskara at nakahubad ang pang-itaas at balandrang-balandra ang six packs abs nila.

"A-ano 'to?" wala sa sarili kong tanong habang iniikot ang tingin sa kanila na ngayo'y nakapalibot na sa akin.

Rinig ko ang malakas na tawanan nila at wala na akong maintindihan sa mga sinasabi nila na muling tumugtog ang careless whisper at nanlalaki ang matang pinapanuod ang pag giling nila.

"Wala na bang mas sasarap d'yan, boys?" tingin ko'y si Helena iyong nagsalita sa mic.

Mabilis akong napatayo sa gilid ng ilagay ng isang lalaking nasa harapan ko ang kamay niya sa isang gilid at gumiling sa akin. Halos mapapikit na ako ng mas lumapit silang lahat at pinalibutan ako habang magkahawak ang kamay at giniling ang kanilang pwet.

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon