Chapter 5

5.4K 138 11
                                    

Pangalawang araw na namin ngayon. Mukhang lalong mas naging excited ang lahat sa pagpunta sa Long beach.

Umaga pa lang ay tinawag na kami nila kuya Lion sa restaurant para kumain ng umagahan. Maraming assistant ang umasikaso sa amin. Pinasadya pa ni kuya Lion na pagsama-samahin ang mga lamesa para kumasya sa aming 30 katao.

"Good morning," rinig kong bati ni kuya Alli habang papalapit sa amin.

Bumati ako sa kaniya. Lumapit pa siya sa akin. Hinalikan ko naman ang pisngi niya at mabilis na siyang umupo sa upuan niya, katabi ang kaniyang mga kaibigan.

Lahat ng mga pinsan ko ay gano'n ang ginawa ko. Nasanay na rin kasi ako sa ganoong gesture ko sa kanila.

Nang makumpleto kami ay nagsimula na rin kaming kumain. Marami akong kinain dahil naalala ko na hindi nga pala ako kumain kagabi dahil agad akong nakatulog.

Napatigil ako sa pagkain ng mataman ang tingin ni Trent. Bigla akong napatungo at dinahan-dahan na lang ang pagkain. Bawat paggalaw ng kubyertos ko ay inaayos ko talaga. Maski sa pagsubo at pagnguya dapat ay maayos rin.

Hindi na muli akong nagtaas pa ng ulo. Pagkatapos naming kumain ay umakyat agad ako at pumunta sa room. Ilang minuto lang ay tinawag na ulit kami ni kuya Lion para bumiyahe na papunta sa Long beach.

Pagkapunta namin ay hindi maalis sa mukha ko ang pagkamangha. Sobrang ganda! Ito lang ang masasabi ko. Ang puting buhangin ay lalong gumanda dahil sa tubig na umaabot dito. Kitang-kita ang linaw at ganda ng ilalim ng dagat.

"Let's take a picture!" Masayang sigaw ni Angel habang tinataas ang DSLR camera niya.

Agad naman kaming nagsilapitan. Nagpakuha pa kami ng picture sa isang assistant dito. Naka-ilang kuha pa kami bago natapos.

"Oh, Reeve naman!" Sabi ni kuya Alli.

Pinagitnaan nila kaming tatlong babae. Hindi ko maitago ang saya ngayon. Kung siguro'y nandito ang mga kapatid ko ay mas lalong masaya ito. Malalakas pa naman ang trip nila lalo na kapag magkakasama silang magpipinsang lalaki.

"You okay?" Kuya Lin asked.

Medyo gulat pa sa kaniya dahil sa biglang pagsalita.

"Yes, kuya."

"You sure? I don't want you to be alone,"

"Hindi naman ako alone, kuya, e."

Tumango siya. "Then, let's swim?"

Umiling ako. Kahit nagagandahan ako sa paligid nitong Long beach ay ayaw ko na talagang lumangoy. Pagod pa rin kasi ako galing sa kahapon. Tsaka kung gugustuhin kong lumangoy ay pwede naman. May swimming pool naman sa resort and I preferred night swimming than morning.

Pagkatapos ng tanghalian ay umuwi na rin kami. Napagpasiyahan kasi nila na mag bar mamayang gabi. So, dahil iyon ang balak nila ay maaga kaming umuwi para makapag-pahinga.

Humiga ako sa kama at binuksan ang facebook ko. Agad kong tinignan ang post na ni-tagged sa akin ni Angel.

Summer is not yet done! Our second day at Long beach. Here's your Reeve, choose one! :*

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon