"You bitch, he's mine!" Galit na sabi ni Ezra.
Pagak akong tumawa at napapikit sa inis. What is she talking about? Talaga pa lang malakas at makapal ang loob ng isang 'to. Makaangkin kay Trent ay akala mo sa kaniya talaga at gusto siya.
"He'll never be yours, accept it, Ezra!"
She raised her eyebrow up. "Bitch, may I tell you this, before you came into his life, there's me. Wag kang umasta na parang ikaw ang inagawan."
I clenched my teeth. "Bakit? Do you think ikaw ang inagawan?"
Tumawa siya at masama akong tinignan. "You're not here for five years, ako ang nandito, ako ang kasama niya, ako ang dumamay sa kaniya noong wala ka at dahil bumalik ka lang, nawala na naman ako."
"It's not my fault, Ezra! He loves me."
"You're a hoe!"
Aba! Sumusobra na 'to, ah. Nakakarami na 'to sa akin.
"Accept it, he'll never love you."
"Tonta! Who told you that, huh?"
Nagulat ako at ilang beses napakurap ng ibuhos niya sa akin ang malamig na iced coffee na hawak niya. Masama ko siyang tinignan.
Piling ko'y maiiyak ako. Binili pa naman ito sa akin ni Trent.
"You uncultured bitch!" Hindi ko mapigilang bulalas at dinuro siya. "I don't know why you're still pushing yourself to Trent knowing he already have girlfriend. Know your limit and position, Ezra." Sabi ko at pinigilan ang sariling may ibang gawin sa kaniya.
Tumayo na ako at naglakad, narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko at kung anu-anong sinabi sa akin pero hindi na ako lumingon. Malalim na bumuntong hininga ako ng makalayo at napahawak sa dibdib. Mabilis ang tibok no'n na hanggang ngayon piling ko'y kinakabahan pa rin ako.
Napatingin ako sa dress ko. Napasinghap na lang ako sa itsura nito. Paano ako uuwi nito na ganito ang suot?
Dumiretso na lamang ako sa kotse at pinaandar yun hanggang sa pinakamalapit na mall na mabibilhan ko ng dress. Nang makabili ay agad ko iyong sinuot sa c.r at dumiretso na muli sa kotse.
Sumandal ako sa upuan sa pagod na nararamdaman at namalayan na lang na tumutulo na ang luha ko.
Bakit gano'n ang sakit pa rin ng lahat sa akin? Bakit ayaw kong tanggapin ang mga nalaman ko kay Ezra? Ayaw kong ipasok sa isip ko na noong wala ako ay siya ang nandyan para kay Trent. Ayaw kong tanggapin kung totoo man yun.
Napaangat ako ng makitang nag flash sa screen ang pangalan ni Trent na tumatawag. Agad kong pinunasan ang aking luha bago sinagot ang tawag.
"Hello? Where are you?"
"Nasa loob ng kotse,"
"What are you doing there?"
Umiling ako na animo'y nakikita niya. "Wala naman,"
Ayaw kong malaman niya na nagkita kami ni Ezra. Alam kong magaalala siya.
"Its already night, pumasok ka na sa kwarto mo,"
"Okay."
Mahina akong bumuntong hininga.
"Are you okay, baby?"
"O-oo naman,"
"Are you sure? It seems no,"
"I am really okay. I'll go to my room and sleep after,"
"Okay, take care of yourself! Have a sweet dream, baby!"
Pekeng ngumiti ako at hindi na sumagot. Pinatay ko na ang tawag at nagsimula ng magmaneho. Nang makarating ako sa bahay ay wala tao sa sala kaya naman dire-diretso na ako hanggang sa kwarto ko. Naligo at nagbihis at humiga sa kama.
![](https://img.wattpad.com/cover/139595513-288-k115088.jpg)
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
RomansPort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...