It has been one week since Alexa left and no communication with her. Same as Trent that still can't contact. The two people I love are busy not thinking they left someone worrying about them.
After that day, oras-oras ko na siya tinetext at sinusubukan tawagan. Hindi ako nagtanim ng galit tungkol sa nangyare. I should be an understanding girlfriend to him but it's still sad that I can't contact him and he didn't do anything with that.
Ako lang ang gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng komunikasyon pero siya naman itong hindi gumagawa ng ibang paraan. Minu-minuto nag-aalala ako sa kaniya kung ano na ba ang nangyare sa kaniya. Magkasama pa rin ba sila ni Ezra?
My mind can't answer my own questions, that's why I decided to go to Manila and look for him. Hindi ko na sinabi sa kanilang lahat na pupunta ako 'cause I wanted to suprise him. Malay ko ba kung hinihintay niya lang ako na gumawa ng paraan para magkita kami.
Dala ang aking kotse ay bumiyahe ako papunta roon. Kapag nagugutom o napapagod ay titigil ako kaya matagal rin ng makarating ako ro'n.
Dumiretso ako sa hotel kung saan kami nag book dati. Naligo at muling nagbihis ng panibagong dress na isa sa regalo niya sa akin. I opened my laptop and search where Miguez Hostel Incorporation is.
Hindi pa man ako nakakababa ng kotse ay namangha na ako sa laki at haba ng palapag ng kompanya nila. Trent is the CEO of this big company here in Manila? Nakakabilib. Boyfriend ko ang CEO nito.
Pumasok ako sa loob at hindi ko maiwasan iikot ang paningin. The glass and marble design are really amazing. I'm glad that my boyfriend's family is the owner of this prominent business company.
Tumungo ako sa front desk. Lahat ng madaan ko ay halatang busy sa kani-kanilang ginagawa.
The front desk smiles sweetly and I smiled at her, too.
"How may I help you, Ma'am?" She asked.
"May I know kung saan ang office ni Trent Miguez?" Magalang kong tanong.
She looked at me like I said something wrong.
"Do you have an appoinment with Mr. Miguez, Ma'am?"
I shook my head. "I just want to visit him, I'm his girlfriend, by the way."
Kita ang gulat sa kaniyang ekspresyon ng sinabi ko iyon.
"I... I'm sorry, Ma'am, his office is on 30th floor."
I smiled, genuinely. "Thank you!"
Nahihiyang ngumiti siya sa akin at tumango. Ako naman ay naglakad na papunta sa elevator. May mga nakasabay pa ako na pinagtitinginan ako pero hindi ko na lang sila pinansin. Nang makarating sa 30th floor ay dumiretso ako sa desk na nasa pinakagitna no'n.
"Good afternoon, Ma'am, how may I help you?" Tanong sa akin ng mukhang sekretarya ni Trent.
Tumango ako at ngumiti.
"Gusto ko lang malaman kung nandito ba ngayon si Trent Miguez?"
"What's your name, Ma'am?"
"Nicole Shekinah Reeve,"
Saglit na may tinignan siya sa laptop bago muling humarap sa akin at ngumiti.
"Ma'am, you're not in his schedule today. I'm sorry..."
Napakurap ako ng ilang beses. "Ganoon ba... maaari ko bang malaman kung nandito siya ngayon?"
"Yes, he's in his office with his important guest."
"May I know who's with him?"
"Sa pagkakaalam ko po, Ma'am, ay girlfriend niya ang kasama niya ngayon..."
BINABASA MO ANG
Promised Love (Port Barton #1)
RomansaPort Barton Series #1 [COMPLETED] - Nicole Shekinah Reeve, an innocent and lovable young girl of a well-known family. She is a type of girl that everyone cherishes, gives respect and love. Paano kung sa mga araw na tahimik at walang gumugulo sa kani...