Chapter 35

3.5K 60 0
                                    

Pungas-pungas ng matang dumilat ako. Uminat pa ako saglit at sinubukan tumayo. I felt tired because of what happened yesterday. Quel got punched from whoever that guy is. And after one week and days, finally Trent texted me when the time I don't need him.

Pinagmasdan ko ng maigi ang aking mukha sa salamin. Maga ang mata at magulo ang buhok, idagdag pa na halata galing sa pag-iyak.

Why can't I stop from crying? Tutal paulit-ulit na lang naman ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Iisa lang ang rason at taong iniiyakan. Why I still holding him tight when he's the reason why I am hurting? Can I just let him go? But of course, my heart won't!

Paulit-ulit na naghilamos ako hoping that my swollen eyes will fade. Nang medyo umayos na ay bumaba na rin ako. I stop when I heard plenty voice downstair. When I heard Mom voice, I immediately go down. But I stop when I saw Trent with mom, dad, and kuya Sylus.

Lahat sila ay natigil sa seryoso nilang pag-uusap ng makita ako. Mariin kong tiniklop ang aking labi. What is he doing here? Irritation and pain cross my heart when I saw Trent looking at me. Meron pa rin pa lang lakas ng loob 'tong lalaki na 'to para pumunta rito sa bahay at kausapin ang pamilya ko.

"Anak..."

Mabilis kong iniwas ang aking tingin kay Trent ng tawagin at lumapit sa akin si Mom at niyakap ako.

"How are you, anak? Maayos ba kayo dito ng kuya mo?" She asked.

Naiilang at pilit na ngumiti ako at tumingin kay kuya Sylus. Walang emosyon na nakatingin lang siya sa akin.

"We're good, Mom." Sagot ko na lamang.

"That's good, then. Do you want to eat now? I'll come with you,"

Umiling ako.

Mukhang busy sila sa seryoso nilang pag-uusap at ayokong guluhin 'yon. Nagpaalam na muna ako sa kanila na kakain muna ako ng agahan.

Malakas na bumuntong hininga ako habang kumakain. It's bad, I know, but I can't help it. Nandito ngayon ang kulugo na 'yon at masakit sa akin na makita siya ngayon kasama ang pamilya ko. Dati ito ang gusto ko, ang makausap niya ang pamilya ko. Pero ngayon hindi na. Ayoko siyang makita, nasasaktan pa rin ako.

Pambihirang araw na ngayon na nga lang umuwi ang magulang ko tapos nandito pa siya. I wonder why... tapos na siya sa babae niya kaya magulang ko naman para kumbinsihin sila sa amin.

Mapait akong ngumiti at pilit na nilalabanan ang sakit na bumabalatay sa parte ng dibdib ko. Ilang araw akong gumawa ng paraan para makausap siya dahil sobrang miss na miss ko na siya tapos malalaman ko na kasama niya lang pala si Ezra.

"Baby..."

Nanlalaki ang matang napayuko ako. Oh please, don't fall, tears. Hanggang ngayon hindi ka pa rin sanay sa paulit-ulit na sakit.

Bigla ay tinamad akong kumain ng maramdaman ang presensiya niya sa likod ko.

Ilang beses pa akong napabuntong hininga bago tumayo at maglakad ngunit mabilis niyang hinawakan ang aking kamay. Nakatalikod ako sa kaniya at walang balak na harapin siya. Pilit ko 'yung tinanggal ngunit sadyang mahigpit ang hawak niya sa akin.

Kinalma ko ang aking sarili.

"Can you just let my hand go." Mahinahon kong pakiusap.

Ilang beses ko pa siyang narinig na mahinang bumuntong hininga. Nang hindi niya pa rin tinatanggal ay marahas ko ng hinila ang kamay ko ngunit ganoon pa rin sa kamay niya.

"Let us talk,"

I smiled, bitterly. "We don't have to talk. It's okay to me now. It's up to you kung ano man ang mga ginagawa mo."

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon