Chapter 14

3.7K 66 0
                                    

Hindi mapawi ang ngiti ko hanggang pagpasok. Ang maalala ang nang nangyare kagabi ay sobrang nagpapasaya sa akin.

Trent is kind of sweet and caring man. Hindi ko aakalain na sa gaanong matapang niyang mukha ay sa likod no'n ang malambing niyang boses.

I wonder kung paano siya sa mga exes niya. I'm not sure kung may mga exes nga siya pero mukhang meron naman. Mukha pa lang ang nakikita sa kaniya ay nakakabighani na, paano pa kaya kapag ang ugali niya na.

Uhm!

"Feeling better?" Alexa smirked as I sat on my chair.

Ngumuso ako. Hindi ako sanay na ganito kay Alexa. Maski sa iba. Ang nararamdaman ko ay sinasabi ko lang sa sarili ko.

"Why? Is Trent bothering you?"

Agad akong umiling.

I don't want her to think na ganito ako kay Trent.

"Tell me, anong level na yan?"

"Huh?"

"Yung relasyon niyo ni Trent,"

"Wala!" Agap ko.

"Opps! Don't be defensive, baby!" Malakas siyang tumawa na sobrang nagpamula sa akin.

She's teasing me and I hate it!!!

Hindi ko na lamang siya pinansin at nag-abala sa reviewer dahil may mahabang quiz kami mamaya kay Ms. Santos.

Natapos ang oras at break time na. Sabay kami ni Alexa na pumunta sa canteen. Nag order muna siya habang ako'y umupo sa pwesto namin.

Cindy, Mikaella and Helena ay iba ang oras ng break time nila kaya hindi kami nagkakasabay. First bell kami while second bell naman sila. Minsan ay sa uwian kami bumabawi.

Abala ako sa pagmamark ng reviewer ko ng mag vibrate ang aking phone sa bulsa. Kinuha ko ito at tinignan.

Trent:

Break time? Eat well.

Kinagat ko ang aking ibabang labi para pigilan ang ngiti. I saved his number last night. Iyon reply ko ang huling message namin kagabi at ngayon lang ulit siya nagtext.

Agad akong nagtipa ng sagot,

Me:

Yes. How did you know?

Trent:

My purpose. Who's with you?

Gosh! Why do you have to know who's with me? Hehe.

Me:

Alexa.

Trent:

Good. Now, eat well and don't reply after this message.

Para akong tanga na tumango kahit hindi niya naman nakikita.

"Hoy! Ano 'yan, huh? Nanunuod ka ng ano, nu?"

Nagulat ako ng bigla siyang sumulpot sa tabi ko kaya naman mabilis kong tinago ang aking phone sa bulsa.

Mabilis akong umiling at kinuha ang pagkain ko na pinaorder ko sa kaniya.

She just smirked at kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay bumalik na rin kami sa room. Sunod nito ang klase ni Ms. Santos kaya naghanda na rin ako para sa quiz.

Ilang oras ang lumipas at uwian na. Nauna ng umuwi si Alexa habang ako'y naghihintay kay manong.

Tinatamad na umupo ako sa bench. Hindi naman nakakapagod ang araw na 'to pero parang pagod ang nararamdaman ko. It's just a simple day to me in school.

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon