Chapter 19

3.1K 74 0
                                    

It's already 9:35 pm at kailangan ko ng umuwi. And Trent is texting me right now, actually kanina pa siya nasa labas at hinihintay ako pero hindi ako makahanap ng tyempo na magpaalam kay Quel.

"Lisa, where's Quel? Uuwi na kasi ako, magpapaalam at magpapasalamat lang sana ako."

Tinuro si Quel sa isang lamesa na puro lalaki, "Wait, I'll call him."

Tumango ako. Ilang sandali lang ay dala na ni Lisa si Quel.

"Quel, thank you nga pala and happy birthday again,"

He tapped my shoulder and... "No problem. Thank you for coming."

Tumango ako at nagpaalam na rin sa iba ko pang mga kaklase. Sabay na rin kami ni Alexa lumabas.

"Alex, hindi ako makakasabay sa'yo ngayon," paalam ko, nakalimutan kong sabihin sa kaniya na susunduin ako ni Trent dito.

"Bakit? Sinong magsusundo sa'yo?"

"Si Trent," sagot ko at halata ang gulat sa kaniyang mata.

"Really? Oh my gosh! I feel something 'te. Ano, meron na ba?" She smirked and I shook my head, no.

Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na siya sinagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makalabas. Sa 'di kalayuan ay kita ko na si Trent na nasa labas, harap ng kaniyang kotse.

Nagpaalam muna kami sa isa't isa. I waved my hand at Trent and he gave me a warm smile. Nang tuluyan akong makalapit sa kaniya ay ngiti lang ang nagawa ko. Ito na namang puso kong naghuhurumentado sa sobrang lakas ng pintig. Hindi na yata ito matitigil kapag kasama ko si Trent.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumungo ako at ramdam kong nag-iinit ang aking mukha. Trent is being censorius or matagal na talaga.

"Already done?" He asked.

"Hindi pa pero nagpaalam naman ako na mauuna na,"

"You can finish the party, I'll just wait you here."

Ngumiti ako at umiling. Hindi dapat pinaghihintay ang ganitong lalaki. Baka kapag may makakita pa ay maunahan ako. I'm not sounds jealous or anything. Iniingatan ko lang ang damdamin ko.

He open the passenger door for me and I immediately get in. He, also in the driver seat. After we guised our seat belt, he started the engine.

"I'll fetch you tomorrow, we're going somewhere."

I immediately looked at him. Excitement invades my whole system. "Where?"

"A secret for now,"

I pouted. Maduga 'to. Hindi man lang sinasabi sa akin. Pero aaminin ko, ramdam ko ang excitement sa buong sistema ko. Like it's new to feel excitement in my whole life.

Lumipas ang ilang oras ng makarating kami sa bahay. I've never felt nervous that someone will see me with a guy. It's Trent, walang duda, walang dapat ikabahala. He's a guy that girls dream about.

"Thank you!" Pasasalamat ko.

I felt tingled in my whole system. I hope it's not the end. I hope this is just the start of everything.

"I'll see you tomorrow,"

Tumango ako at lumabas na. Kumaway muna ako bago tuluyang pumasok. Karipas ng takbo ang ginawa ko hanggang makapunta sa kwarto ko. Mabilis kong binuksan ang bintana at pumunta sa sumilip sa veranda. Kita ko ang pag-alis ng kaniyang kotse.

Nang tuluyan na iyon nawala sa aking paningin ay dumiretso na ako sa cr, naligo at nagbihis ng pantulog.

Sumandal muna ako sa headboard ng sunod-sunod ang pagtunog ng phone ko. Agad ko iyong kinuha at tinignan. Kuya Allais and Trent texted me.

Promised Love (Port Barton #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon