Prologue:
"Stop this Zach, let's stop this."
Hindi parin nawawala sa isipan ko ang mga huling salita na dumurog ng husto sa puso ko, ang mga salitang yan ang tumapos sa anim na taon na pagsasama namin ng babaeng pinakamamahal ko.
Napatingin ako sa side table at nakita kong alas syete na pala pero eto ako ngayon nakahiga pa rin na parang walang balak tumayo at walang balak pumasok sa paaralan.
Di ko parin talaga kayang lumabas ng kwarto ko dahil sa mga nangyari sa akin. Pakiramdam ko naging walang kwenta ako, naisip ko tuloy siguro pinanganak lamang ako upang masaktan ng lubos, iniwan pa ako ng babaeng mahal ko. Nangako siya na hindi niya ako iiwan pero, ito ako ngayon nangungulila sa mga alaala. Totoo nga ang katagang 'promises are meant to be broken'
Limang araw na akong hindi lumalabas sa kwartong ito, alam ko kasing sa kwartong ito kaya kong umiyak at mapagisa ng walang nakakakita. Limang araw narin kung saan hindi ko sinasagot ang cellphone kong halos oras oras ay may tawag.
Tumitig sa pader, yan na lamang ang mga bagay na nagagawa ko ngayon. Kahit yung mga pagkaing inihanda ni Mama nasa trey pa rin walang bawas na nakalagay sa sahig.
Tumunog ang cellphone ko hudyat na may tawag na naman mula sa mga kaibigan ko. Dali dali ko itong tinignan at nagtaka ako dahil ibang numero ito kaya sinagot ko na lamang.
"Hello" Pambungad ko.
"Oh my! Sumagot na siya!" Bulalas ng nasa kabilang linya. "Zachary De Guzman ba't hindi mo sinasagot ang mga tawag namin? Nag aalala na kami sayo." Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto ko kung sino ang tumawag.
"Yvonne, wala ako sa mood para sa cellphone calls at lalo na sa social media." Sagot ko na lamang.
"So why did you answer this phone call? " Tanong niya ulit. "C'mon Zach you need to go to school napapabayaan mo na pag-aaral mo, wag mo sayangin yang talino mo sa mga hindi makamundong bagay!" Dagdag pa niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at napansin kong bigla siyang tumahimik. Kung matatawag lang sanang hindi makamundo ang nangyayari sa akin hindi na sana ako nasasaktan pa. Hindi nga naman makatarungan dahil nagmahal lang naman ako.
"Ano papasok ka ba?"
Ilang minuto kong pinag-isipan ang dapat kong sagot sa tanong na yun. Ito yung sinasabi nilang kahit mahirap, tuloy pa rin ang buhay. Napabangon ako sa kama.
"Oo, papasok na ako. Nasaan ba kayo?"
"Nandito kami sa baba ng bahay mo kaya bumaba ka na diyan bago pa namin ubusin ang agahan niyo!" Nangiinis na wika nito at agad na pinatay ang tawag.
Natawa ako ng mahina. And when I thought I was all alone, I realize I still have them. Minsan kasi dahil sa sakit, hindi na natin nakikita yung mga taong handang gamutin ang mga sugat natin.
"Zachary De Guzman may balak ka bang lumabas dyan o wala?!" Sabay katok ng malakas sa kwarto ko. Nagulat naman ako kaya napasigaw na rin ako.
"Lalabas na!"
End of Prologue.
A/N
Hahahaha simula palang waley na hahahaa charot im hoping that if you start reading this you will read it until the end hihihi
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex