Chapter 9: War

21 1 0
                                    

Third person's POV

Agad na bumangga si Zach sa isang binatang kaedad lamang niya. 
Tinitigan niya ang mata nito at nagtaka siya ng may babae pala sa likod nito.

"Oh bakit anong sinisilip mo diyan? " tanong ng binata. 

"Wala" sagot na lamang ni Zach. 

"Tinititigan mo ba girlfriend ko ha? " tanong ulit ng binata kaya agad na napangiti si Zach pero bakas parin dito ang pait at lungkot na nararamdaman niya. 

"Tara na" akmang aalis na ang TEAMSHOUTOUT ng biglang hinigit ng binata ang braso ni Zach at sinuntok ito ng sobrang lakas. 

Sa sobrnag lakas ng pagkakasuntok nito ay agad na napa talsik si Zach at dumugo narin ang kanyang labi. 

Akmang susugudin na nila Harold at Ken ang binata ng biglang tinaas ni Zach ang kamay nito na para bang sinasabi na tumigil sila.

"Ako tatapos nito" malamig na sambit ni Zach. 

Tumayo si Zach at sinapak ang binata, kinwelyuhan niya to at sinapak pa ulit. 

Tinignan muna ni Zach ang duguan ng mukha ng binata at sabay bulong dito,  "Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo"

Akmang sasapakin na sana ulit ni Zach ang binata ng bigla na lamang may babaeng yumakap sa katawan ng binata. 

"Tama na Zach pagpasensyahan mo na kung nabangga ka niya" umiiyak na sambit nito. 

Nanlaki ang mga mata ni Zach ng mapagtanto kung sino ito. 

"Ivy" bulong nito.

"Ano masaya kana may nabugbog kana? " tanong nito sa kanya. 

Hindi na nakaimik si Zach at napako na lamang sa kinatatayuan habang nakatingin sa dating kasintahan at ang bago nitong nobyo. 

"You bitch!  Hindi siya ang nanguna! Nakita mo naman ang pangyayare diba? " pagtatanggol ni Yvonne kay Zach. 

"Talaga? Tignan mo tong boyfriend ko binugbog lang naman ng hamak na Zachary nayan!" Pasaring ni Ivy sabay turo sa dating nobyo. 

"Boyfriend mo ba talaga yan o kasangkapan mo para makuha mo ang gusto mo? " sabat naman ni Olivia. 

"Siguro yung pangalawa! " sigaw ni Yvonne habang nakatingin kay Ivy at tinataasan ito ng kilay. 

"Let's go friendship, wala tayong mapapala sa mga manggagamit na tao duh! " pasaring ni Olivia.

"Manggagamit? " tanong naman ni Ivy. 

"Bakit hindi ba? " sarcastic na sagot ni Yvonne. 

"Tara na guys andami ng nakakakita sa gulo natin dito baka mamaya ma guidance office tayo o principles office tayo! " pagaaya naman ni Ken. 

"Sige tara na Olivia" pagaya naman ni Yvonne sa kaibigan, "Babye user! " pagpapaalam naman ni Yvonne sabay taas ng gitnang daliri nito. 

Pupuntahan na sana ng apat si Zach ng mapagtantong naglalakad na pala ito.  Dumudugo man ang gilid ng labi diridiretso parin ang lakad nito. 

"Hoy Zach hintay!! "

"Oi Hintay!! "

"Zachary!!! "

"Hintayin mo kami betlog!!!"

Nagsigawan ang apat sa pasilyo ngunit hindi parin sila pinapansin ni Zachary, ni hindi nga nito nilingon ang apat. 

******

Yvonne's POV

"Aray, aray ko tama na aray! "

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now