Chapter 10: Music is one of a million ways.

21 2 0
                                    

Zach's POV

"Hey brodiee! " bati sakin ni Harold. 

"Oh bakit? Nasaan sila Yvonne? " sunod sunod na tanong ko kay Harold. Binigyan niya ako ng flyers na may nakalagay na GRAND RAKRAKAN. 

"Ayan,tulungan moko magbigay ng flyers, may concert na magaganap mamaya magpeperform ako at kailangan nandoon ka betlog! " paliwanag ni Harold. 

"Eh yung tatlo manonood din ba? " tanong ko ulit. 

"Oo nasa VIP list kayong tatlo kaya hindi na kayo maghihirap pumila pa brodiee! " sagot nito sabay naka thumbs up pa. 

Binigyan niya ako ng sangkatutak na flyers at nagsimula na siyang maglakad at mamigay ng flyers. 

Hays, nasa gitna ako ngayon ng Westpark University at namimigay ng flyers grabe yung kupal nayun hindi man lang ako pinasagot kung pupunta ba ako o hindi. 

"Hoy miss kunin mo tong flyer at pumunta ka mamaya sa event! " sigaw ko at binigay ang flyer sa kanya. 

"M-may bayad ba to k-kuya? " pautal utal na tanong niya. 

"Wala pero pipila ka lang wag ng maraming tanong pumunta ka nalang! " paliwanag ko at nagmadali na siyang umalis. 

Wahahaha mabilis lang pala to e 1-0

"Hoy! Ikaw!! " sigaw ko sabay turo sa lalaking nakasuot ng baseball cup at sinenyasan siya na pumunta sa harapan ko. 

"B-bakit? " tanong niya sa akin at pautal utal pa siya, ano to natatakot ba siya?

"Diba ikaw yung Captain ng Baseball team? " tanong ko

"Ah eh oo, bakit? " tanong niya pabalik. 

"Ilan kayo sa team? " tanong ko ulit.

"Nasa 15 ata " sagot niya. 

Binilang ko ang flyers at nakita ko siya namumutla. 

"Oh bakit ka namumutla? " tanong ko sabay bigay sa kanya ng mga flyers. 

"Ah eh wala, p-para san to? " tanong niya ulit. 

"Flyers yan may rock concert mamaya dito at magpeperform si Harold mukhang betlog dapat buong team niyo nandoon! Pag nalaman ko lang na may kulang sa team niyo na pumunta doon" saglit muna ako huminto at pinatunog ang mga daliri ko.  Nakita ko siyang napalunok wahahaha takot na takot. 

"I will hit your face using your own bat"

"Ah eh oo p-pupunta kami lahat" pautal utal niya na sagot at nagmadali na umalis. 

Hay buhay mas madali tong ginagawa ko since takot silang lahat wahahaa. 

May nakita akong babae sa hindi kalayuan diretso lamang ang tingin nito sa libro na kanyang hawak parang nagaaral ata.  Nilapitan ko siya at nilapag niya yung libro niya sa lamesa. 

"Oh bakit? " tanong niya. 

"Oh ayan mamaya pumunta ka sa rock concert mag peperform kase tropa ko diyan si Harold! " paliwanag ko. 

"H-harold? Harold Escalona? " tanong nito. 

"Oo yung mukhang betlog" pagdidiin ko pa. 

"Oh my goooood! Sige kuya pahingi ako tatlong flyers pupunta ako hihihi" tugon nito at nakita kong namumula na ang kanyang pisngi. 

"Oh bakit nagbablush ka? Crush mo ba si Harold na mukhang betlog? " tanong ko.  Hindi siya nakasagot at binaling nalang ulit ang tingin sa libro.

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now