Zach's POV
"Tara na guys mag swimming na tayo!!! " sigaw ni Yvonne habang tinuturo ang dagat.
"Mamaya na mainit pa eh" reklamo naman ni Ken.
"Tanga mas mainit na mamaya" sagot niya pabalik.
"Wag po kayo mag alala maam and sir meron pong lugar dito na napapalibutan ng malalaking bato, pwede tayo doon magswimming kase nahaharangan nun yung sinag ng araw" sambit naman ni Penny.
"Ganon ba" sambit na lamang ni Yvonne at napangiti sa aming lahat.
"Anong nginingitingiti mo diyan? " tanong ko.
"Maghapon na swimming na ito! " sigaw nito ulit pero ngayon may halong talon at headbang pa.
"Ganyan ba talaga siya? " pabulong na tanong sakin ni Zina.
Lumingon ako sa kanya at tumango tango.
"She's crazy but she's.... " hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko nakita ko na ang itchura niyang may smirk sa labi.
"She's my bestfriend " pagpapatuloy ko na lamang at binaling ulit ang tingin sa ibang kasama.
"Ma'am at Sir kung wala po kayong swimming gear or swimming outfit meron po kami " sambit naman ni Willy.
"Talaga? Pinapahiram niyo ba o ibinebenta niyo? " tanong naman ni Yvonne.
"Pinapahiram po namin ma'am " sagot naman ni Willy.
"Stop calling me ma'am, call me Yvonne, magkakaedad lang tayo dito and besides pwede tayong maging magkaibigan " sambit naman ni Yvonne.
"Nice one! " sigaw ko naman.
Napatingin ako sa direksyon ni Zina at nakita ko nanaman ang tingin niyang nakakaasar.
"Nice one selos" bulong niya at nginitian ako.
"Selos mo ulo mo" bulong ko naman pabalik at nginitian din siya.
"Nasaan na nga pala si Harold at Olivia? " tanong ko naman.
"Hindi ko alam eh, nag jogging ako right? " sagot naman ni Yvonne na ngayon ay nakaupo narin gaya namin habang sinasamahan ang magkapatid na naghuhugas ng plato.
"Sir baka po nasa kwarto nila nagpapahinga" sagot ni Penny.
"Stop calling me Sir, Zach nalang Penny" sagot ko sabay peace sign.
Nakita kong napatingin sakin si Yvonne at nang tignan ko naman ang direksyon ni Zina nakangiti nanaman ito ng parang walang bukas.
"Nice gantihan naba to Zach? " bulong nito sabay napabungisngis.
"Shut up" sagot ko na lamang at napangiti.
"Zach at Yvonne puntahan niyo nalang muna si Harold at Olivia baka nandoon lang sila, tawagin niyo sila para pagdating niyo dito magswiswimming na tayo" anunsiyo ni Ken.
"Eh pano tong si Zina? " tanong ko.
"Ako na ang bahala sa kanya, basta puntahan niyo na yung malanding couple " sagot nito sabay ngiti.
"Tara na Yvonne" pangaaya ko sa kanya at nginitian siya.
"Tara let's go baka mamaya maging ninang agad ako eh! " sigaw ni Yvonne at nagmadali ng tumayo.
"See you later guys! " sigaw ni Yvonne at kumaway sa mga kasamahan naming iniwan.
*****
Naglalakad kami papunta sa kwartong tinutuluyan namin at humahampas parin samin ang malamig na hangin at ang magandang musika na ginagawa ng karagatan.
"Nageenjoy kaba dito Zach? " tanong ni niya sa akin.
"Oo naman" sagot ko sabay napangiti at inakbayan siya. "Basta kasama ko kayong lahat masaya ako, tandaan mo yan" dagdag ko sabay kinindatan siya.
"Wag ka nga kumindat mukha kang may epilepsy" pangaasar niya at tumawa ng pagkalakas lakas.
"Poging may epilepsy" sagot ko naman at nagpogi sign pa.
"Yuck! " pabirong sigaw niya at tinusok ang tiyan ko.
Tumatawa kami habang naglalakad papunta sa kwarto kung saan naroroon sina Harold at Olivia.
"Teka narinig mo bayun? " bulong sakin ni Yvonne.
"Yung ano? " tanong ko.
"Yung tawa ni Olivia" sagot niya at umiling nalang ako bilang sagot.
"Shh dahan dahan lang tignan natin kung anong ginagawa ng magjowa" bulong sakin ni Yvonne.
Dahan dahan kaming sumilip sa siwang ng pintuan at nakita namin sa akto si Olivia at Harold naghahalikan.
"I love you" sambit ni Harold at nginitian si Olivia.
"I love you more idiot" sagot naman ni Olivia at naghalikan sila ulit.
"Tara na" bulong sakin ni Yvonne at sumenyas na papasok na kami.
"Woi mga kupal!!! " sigaw ko sabay ngiti ng napakalapad.
"Anong ginagawa niyo dito? " tanong naman ni Harold.
"Mag ayos na kayo kase magswiswimming na tayo, mamaya niyo na ituloy yang gusto niyong gawin, ayoko pa maging Ninang Harold! " sigaw naman ni Yvonne habang tumatawa.
"Let's go love mag swimming na tayo"pag aaya ni Olivia kay Harold.
"Ayoko di ako marunong lumangoy" sagot naman ni Harold.
"Please love" pagaaya ulit ni Olivia.
"Sige na nga, pero sa isang kundisyon ikikiss mo muna a..." hindi pa natatapos ang sinasabi ni Harold hinalikan na agad siya ni Olivia.
"Shall we go? " pang aaya ni Olivia.
Sabay sabay kaming umalis sa kwarto at naglakad na papunta sa kusina kung saan namin iniwan ang magkapatid si Ken at Zina.
******
End of chapter 18
Thanks for reading god bless
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex