Chapter 13: Take a break!

19 1 0
                                    

Zach's POV

binabaybay parin namin ang daan na tinuturo ng mapa sa amin papunta sa beach resort na pupuntahan namin. 

Nakikita ko si Ken nanonood ng mga dance videos sa cellphone niya, si Yvonne naman ay nakatingin lamang sa labas.

"Anong tinitignan mo diyan? Malayo pa tayo"

"Ah wala Zach nakakabored kase pag tahimik eh,parang may kanya kanya tayong mundo sa loob ng van"

"Wahahaha boring? Naboboringan ka eh ampogi ng katabi mo? " sagot ko at nagpogi post pa habang nagmamaneho. 

"Kilabutan ka nga Zach" sambit niya at nagsimula na pumukit, it's a sign na inaantok na ito. 

"Sige na tulog kana, inaantok ka lang kaya dimo makita ang kagwapuhan ko" sambit ko at binuksan ang aircon para makatulog siya ng maayos. 

Napatingin ako sa direksiyon nila Olivia at Harold na kita kong nakayakap parin sila sa isa't isa.  They're smiling like there's no tomorrow. 

"Hoy mga kupal! " sigaw ko. 

"Bakit? " tanong ni Olivia. 

"Ano nanamang trip mo Zachary? " tanong ni Harold. 

"Wag nga kayong masyadong sweet nakakasuka na eh" sigaw ko. 

"Tanga inggit ka lang! " sigaw naman pabalik ni Harold. 

Kaya itinaas ko ang gitnang daliri ko na nakaturo kay Harold.

"Zach pano niyo napapayag si papa? " tanong sakin ni Olivia. 

"Ahmm pano nga ba? " pansamantala muna akong huminto sa pagsasalita at kinamotkamot ang baba ko. 

"Binigyan mo siya ng cellphone number natin at ipinangako mong may isesend na picture ni Olivia kay tito" singit ni Harold. 

"Ayy oo tama yun" sambit ko at napangiti. 

Tinignan ko muna ang gas tank at holy pakshet empty na hayop nayan!

"Guys, hahanap tayo ng gas station wala na tayong gas" anunsiyo ko.

"Ahh sige lang Zach,sabi dito sa app na to 1km nalang daw layo ng pinakamalapit na gas station! " anunsiyo rin ni Ken. 

"Teka akala ko nanonood ka lang ng sayaw? " tanong ko. 

"Every five minutes tinitignan ko kung naliligaw na ba tayo o hindi, no offense Zach" sagot naman nito at napangiti. 

"Gago ang kapal ng labi mo" sagot ko na lamang at binaybay na ang daan na tinuturo ng app. 

******
"

Shall we go again? " tanong ni Kenley. 

"Excited kaba sa beach pare? " natatawang tanong ni Harold. 

"Oo naman madami daw kaseng chicks dun eh hehe" natatawang sagot ni Ken.

"Sir eto na po yung sukli" anunsiyo ng gasoline boy. 

"Salamat" sagot ko na lamang at nginitian siya. 

"San po ba punta niyo sir? " tanong ng gasoline boy. 

"Sa may beach" sagot ko. 

"Ahh doon ba sir? Sir ingat po kayo papunta doon ah? Wag po kayo magbubusina kase baka makagambala po kayo ng mga nilalang. " Gasoline boy.

Shit, alam ko naman na itong mga ganitong storya pero nung ako na yung sinabihan ewan ko ba kinilabutan ako ah. 

"Ahh sige thank you" sagot na lamang ni Yvonne. 

"Tara na guys!" sigaw ni Ken na nasa van na pala. 

Yung totoo na excite ba siya dahil sa sinabi ng gasoline boy?

"Tara na naeexcite na yung kupal eh" pangaaya ni Harold. 

Nang makasakay na kami sa van sinimulan ko ng paandarin ito. 

Hay nako magiisang oras na simula ng sinabi nung gasoline boy yun. 

"Hey kinakabahan kaba? " tanong ni Yvonne. 

"Sila ang kabahan sakin" sambit ko sabay kindat. 

"Wag mong isipin yun Zach ano kaba liblib na lugar ang pupuntahan natin kaya hindi na bago ang mga ganyang kwento" wika nito. 

"So ok lang kung bilisan natin? " tanong ko habang nakangiti. 

Tumango tango naman si Yvonne bilang pagsang ayon. 

Binilisan ko ang pagmamaneho andami naming nadaanan na naglalakihang puno may mga nakikita din kaming malalawak na talahiban. 

Tinignan ko mula sa rearview mirror ang tatlo sa likod at nakita kong busy si Ken sa panonood ng choreography at si Harold at Olivia naman na magkayakap habang natutulog. 

Ang sweet nilang dalawa siguro pati asin lalangamin sa kanila. 

"Zach take a break! "

****

End of chapter 13

Thanks for reading.

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now