Chapter Three:Third person's POV
Matamlay na nagbibihis si Zach habang hinihintay ang mga kaibigan niya para sa magiging lakad nila ngayong araw.
"Bakit kaya ang tagal nila?" Bulong neto, sabay buntong hininga dahil sa pagkainip.
"Zachary!!! Zach, Zach magandang tao po! Yohoo may tao ba?!"
Agad na napangiti si Zack ng marinig niya ang maingay na boses ni Yvonne, pinagbuksan niya ito ng pinto at nakita niyang nakangiti ito sa kanya ng malapad at sabik na sabik dahil sa pagpapasya niyang pagmomove-on.
"Excited ka yata?" Nakangiwi nitong tanong sa nakangising kaibigan nito.
"Syempre Zach, this is the day to be happy again! Today is the day to move on and take on whatever challenges comes in your life!" maligalig na sagot naman ni Yvonne.
"Okay-? So let's go?" Nalilito man pinilit na lamang ngumiti ni Zachary sa kanyang kaibigan.
"Great! Let's go! Oh? Where's your van? Bilis! May pupuntahan tayo!" sigaw ni Yvonne.
"Teka- pupuntahan? I planned this out, so-" Nalilitong sambit muli ni Zach sa kanyang kaibigan na hindi naman pinatapos ng huli.
"So? So what? This is your plan but we also have ours, so ano? May angal ka pa? Halika na! Kunin mo na yung susi ng van!" sigaw muli ni Yvonne.
Pagkakuha niya ng kanyang susi ng kanyang van agad na siyang kinaladkad ni Yvonne patungo sa garahe kung saan naka parada ang kulay pulang van ni Zach.
Nang makarating na sila sa van agad na inilabas ni Zach ang van at dali daling sumakay sa passenger seat si Yvonne.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Zach.
"Basta diretsuhin mo muna tong kalye nato." Sagot ni Yvonne at tinuro ang kaliwang direksiyon.
*******
Zach's POV
Habang sinusunod ko ang direksiyon na pinagtuturo ni Yvonne pasimple akong sumilip sa kanyang ginagawa, nakita kong may kung ano siyang hinahanap sa cellphone niya. Ano bang plano neto?
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya.
"Wala! Wala!" Nagaalangan naman niyang sagot habang iniiwas ang tingin sa akin.
"So pano ba mag simula mag M-O-V-E-O-N?" Takang tanong ko.
"Alam mo Zach may tatlo tayong step diyan!" Taas noong sagot nito at itinaas ang tatlong daliri niya.
"Una!!! Akin na yang cellphone mo!" Utos niya sa akin.
"Wala akong porn! " sagot ko naman sa kanya.
"Alam kong wala. Just give me your phone! " Utos ulit sakin ni Yvonne.
"Oh ayan na nga!" Abot ko sa kanya.
"Una, dapat idelete at tanggalin lahat ng memories na konektado sa kanya!" wika ni Yvonne sabay turo sa cellphone ko kung saan nandoon ang isang album na walang ibang laman kundi pictures naming dalawa ni ...
At walang ano ano bigla na lamang idinilete ni Yvonne ang mga larawan na minsan ay naging kayamanan ko. Napailing na lamang ako sa ginawa niya.
"Sorry bebe boy, but thats how it works, kailangan muna natin tanggalin ang mga alala, wait tignan ko muna fb mo."
"Wag na binlock na niya ako." Di pa man siya tapos sa sasabihin niya alam kong yun ang balak niya sa pagbukas ng facebook ko.
"Ganon ba? Edi punta na tayo sa pangalawang step!" Anunsiyo ni Yvonne habang tinataas ang dalawa niyang daliri sabay taas baba rin ng kilay nito.
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex