Chapter 12: The Roadtrip

20 1 0
                                    

Yvonne's POV

Abala ang boys sa pagaayos ng mga gamit na gagamitin namin sa pupuntahan naming isla. 

Kasama ko ngayon si Olivia na nakatingin sa direksiyon ni Harold.

Diko maiwasang napangiti sa nakita ko. 

"So kayo na talaga ng idiot nayon? " tanong ko. 

"Oo" tipid na sagot nito. 

"Teka? Bat parang malungkot ka? " tanong ko ulit. 

"Hindi ah kase yung relasyon namin ay sikreto la.... " diko pa pinapatapos na mag salita si Olivia ng magsalita nako. 

"So matagal na kayo nag tatago lang kayo sa amin? " tanong ko ulit. 

"Oo best, sorry if I didn't tell you about this " sagot nito at bahagyang napa yuko. 

"Mahal namin kayo ng engot na yun, kaibigan namin kayo eh" paliwanag ko "correction kapatid namin kayo, kaya kung saan kayo liligaya doon kami susuporta" dagdag ko pa. 

"Thank you Yvonne" sagot nito. 

Tinignan namin ulit ang mga lalaking abala sa paglalagay ng mga gamit sa pulang van ni Zach. 

Nakita ko si Zach na kasalukuyang binibitbit ang isang cooler. 

"Hoy Zach anong laman niyan? " tanong ko habang nakadungaw sa bintana ng Van. 

"Ah Hotdog tsaka chicken wings! Mag babarbeque tayo! " sagot nito at kinindatan pako. 

Loko talaga tong bestfriend ko!

Pero nakakainis ang cute niya... 

Tinignan ko naman ang direksiyon ni Ken na kasalukuyan namang nagiiwan ng mga mensahe sa magulang at mga kasambahay. 

Halatang tumakas lang pshhh. 

Tinignan ko naman ang direction ni Harold at nakita kong nakatingin din dito si Olivia. 

Nakita kong tinitono ni Harold ang pula nitong gitara.

Bahagyang napatingin sa direksiyon ni Olivia si Harold at kinindatan niya rin ito. 

Yung totoo?  Araw ba ng kindatan ngayon? 

"Yieee kilig siya! " pang aasar ko kay Olivia. 

"Hihihi" tawa naman ni Olivia na para bang asong na betchin. 

Maayos naman na naayos ng lahat ang gamit at naghahanda na silang umalis. 

Unang pumasok si Harold at Ken sa backseat. 

Shit bat ganito ang sikip! Oh my god!

Nakita kong pumunta sa direksiyon ng puno si Zach sa tapat ng bahay nila.

At parang may sinusulat pa siya. 

Sumakay na si Zach at nginitian kami isa isa gamit ang kanyang signature na gummy smile. 

"Do you bring your cellphones and power banks? " tanong nito. 

"Oo naman bakit kailangan pa ng power bank? " tanong ni Ken. 

"There's no charging station there, so kailangan talaga full charge ang lahat!  Para naman unli selfie tayo! " sagot ni Zach at nagpogi post pa. 

"Aray ang sikip! " reklamo ni Olivia. 

Agad na napatingin si Zach sa rearview miror ng van niya at tinignan kami isa isa. 

"Yvonne dito ka pabayaan mo yung couple diyan tsaka yung isang single diyan" pangaaya ni Zach at tinuro turo pa ang passenger seat gamit ang kanyang nguso. 

Teka couple? Alam na ba niya na mag jowa na si Harold at Olivia?

"Aray! " sa isang iglap napa tingin ako sa direksyon ni Harold.

"Walang hiya ka bat mo sinabi sa kanila? " tanong ni Olivia na kasalukuyang nanggigil at pinag kukurot si Harold. 

"Ah eh sorry na babe i love you" akmang hahalikan na sana ni Harold ang pisngi ni Olivia ng biglang takpan ni Olivia ang nguso ni Harold gamit ang kanyang palad. 

Wahaha akala siguro ni Harold makakaisa siya. 

"Hoy Yvonne Locsin! Dika pa ba sasakay dito sa passenger seat? " sarcastic na tanong ni Zach. 

"Eto na nga eh sasakay na! " sigaw ko at bumuba muna pansamantala at pumasok din at umupo sa passenger seat. 

"Ayan mas maganda" bulong ni Zach. 

"Small thing alam kong maganda ako. " taas noong sagot ko. 

"Boplaks ang ganda na ng ayos ng van! " sigaw ni Zach "this will be fun" dagdag pa nito. 

Nagsimula na siyang paandarin ang makina at magtatravel na kami yahoo!!

*****

End of chapter 12

Thanks for reading <3

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now