Chapter 30: The Finale

28 1 0
                                    

Zach's POV

"Zach ano to?" tanong sakin ni Yvonne.

"Tuhod" sagot ko sabay ngiti.

"Tama ang galing hahaha eh ano naman to?" tanong niya sakin at tinuro ang dalawa niyang tuhod.

"Tuhods?" sagot ko.

"Mali Zach ang tawag diyan Fourhod na kase tuhod plus tuhod equals fourhod hahahahaha"  sambit naman niya

Nagising nako sa pisikal na katawan ko at naalala ko ang isang taong matatawag ko ng happy pill, she's one of those people who makes me smile.

Naalala ko yung corny niya na joke,gusto ko pang makarinig ng mga ganon. Gusto ko din na marinig niya na mahal ko siya pero ngayon nanganganib na siya.

"Gising na siya!!" may narinig akong sumigaw mula sa gilid ko at nakita ko si Ken na may benda pa  sa noo.

"Nasaan si Yvonne, Ken?" tanong ko ngunit tumalikod lamang siya at parang may tinitignan sa labas ng kwarto ko.

"Nurse! Gising na po siya nurse!!" sigaw ulit ni Ken.

"Kenley!"  sumigaw ako sa abot ng aking makakaya.

Lumingon sa akin si Kenley habang lumuluha.

"Bakit ka umiiyak? Diba buhay ako? Gusto mo bigyan kita ng flying kick na tinuro sakin ni Yvonne?" sigaw ko sa kanya ngunit mas lalo lamang siyang umiyak.

"Hoy mojo! Bakit kaba umiiyak?" tanong ko.

Nagpatuloy lamang siya sa pagiyak at dumating na ang mga nurse kasama si Harold at Olivia.

Pinuntahan ako ng nurse at pinagchecheck ako.

"Hoy ok lang ako,buhay pa ako at pogi pa,walang problema sakin hoy" reklamo ko sa mga nurse.

"Ginagawa lang po namin ang trabaho namin" malamig na sambit nito.

Pinabayaan ko na lamang sila na icheck kung may mali pa sakin.

"Wala ng iba pang problema bukod sa bali niya sa kaliwang braso" wika ng isang nurse.

"Sige salamat po" sambit ni Olivia.

Lumabas na ang mga nurse at naiwan kaming apat dito.

"Nasaan si Yvonne?" walang emosyon kong tanong sa kanila.

"Ah Zach gutom kana?" tanong sakin ni Harold.

"I dont need your bullshits! Ang tinatanong ko kung nasaan si Yvonne?!" sigaw ko sa kanila.

Napayuko na lamang si Harold at Ken at naiwang nakatitig sakin si Olivia.

"Olivia where's Yvonne?" tanong ko ngunit ngayon tumutulo na ang luha ko.

"Zach" sambit nito.

"Nasaan siya!" sigaw ko at ngayon tuluyan ng nagunahan ang mga luha ko na kumawala sa mata ko.

Nakita kong umiiyak narin si Ken, Harold at Olivia na nakatitig parin sakin.

Napayuko na lamang ako at inilabas lahat ng luha na kaya kong iiyak.

"Zachary" sambit ni Olivia.

Hinarap ko siya at nakita ko sa mata niya ang lungkot at sakit.

"Zach si Yvonne ang pinaka napuruhan sa atin, kailangan siyang operahan pero 25% lang ang possibility na magiging successful ang operasyon" wika nito at umiyak nanaman siya.

Para akong nabuhusan ng napakalamig na tubig sa narinig, tinaggal ko lahat ng mga host na nakakabit sakin at pinilit kong tumayo.

"Nasaan si Yvonne?" tanong ko habang umiiyak.

"Hindi mo pa kaya Zach! Magpahinga ka muna" pagpigil sakin ni Ken.

"Nasaan si Yvonne!" sigaw ko habang umiiyak.

"Nandoon sa room 101" sagot sakin ni Ken.

"Ayoko ng mawalan pa ng minamahal" sambit ko at pinilit kong tumakbo.

Ayokong mawala si Yvonne,ayokong mawala siya na hindi niya alam na mahal ko siya. No Zach hindi siya mawawala.

Agad akong tumakbo sa hallway ng ospital habang tinitignan ang mga numero na nasa pintuan.

Napatigil ako ng makita ko na ang Room 101.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Yvonne, walang malay at sa tabi niya nakaupo ang papa at mama niya.

"Yvonne!" sigaw ko at nilapitan siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at umiyak ako.

"Yvonne please,wake up, Yvonne I love you please stay awake for me, Yvonne" sambit ko habang humahagulgol sa iyak.

"Iho ooperahan na siya" sambit sakin ng papa niya.

"Tito sorry" sambit ko habang umiiyak.

"Bakit iho?" tanong niya.

"Masyado pong mabilis ang pagpapamaneho ko kaya nabangga kami sa isang puno,tito pasensya na" sambit ko habang lumuluha.

"Ok lang iho,lahat ng bagay nangyayari dahil may dahilan,ipagdasal mo nalang na maging successful ang operasyon niya" sambit nito at lumabas na sa kwarto.

Sinundan din siya ng asawa niya habang umiiyak.

Naiwan ako at ang walang malay na si Yvonne dito sa kwarto.

"Yvonne please gising na mahal na mahal kita,bangon na kahit gawin mo kong punching bag mo gumising ka lang please" sambit ko habang hawakhawak ko ang kamay niya at umiiyak.

Bumukas ang pinto at dumating ang mga nurse na maghahatid sa kanya sa operating room.

"Sir,kukunin na po namin siya" sambit nito.

Hinawakan ko ang kamay niya sa huling pagkakataon at hinalikan ang noo niya.

"I love you so much Yvonne" bulong ko at dinala na siya ng mga nurse sa operating room at naiwan akong magisa sa kwarto,umiiyak habang inaalala ang mga alaala na naiwan sakin ni Yvonne.

End of chapter 30
Thanks for reading
I love you all...

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now