Chapter 16: What's your name?

11 1 0
                                    

Zach's POV

"Hoy akin nalang yung chicken feet! "

"Babe your so maingay!"

"Magdasal muna kase tayo!"

"Sige basta akin yung chicken feet! "

Pagkatapos ilabas ni Penny bayun? Ang mga pagkain napuno ng sigawan ang habang kainan. 

Ang ganda ng lugar nato, napapalibutan ng puno ng buko at ang kulay asul nitong tubig dagat na sadyang nakakaakit talaga.

Nandito kami sa isang kubo na walang pader o pinto sadyang isang bubong lamang at isang malaking lamesa na napapalibutan ng sampung upuan.

"Oh tara kain na" pang aaya ng babaeng hindi pa namin alam ang pangalan. 

"Ah guys? Nakatayo lang ba sila diyan hanggang matapos tayo kumain? " tanong ni Harold sabay turo kay Penny at sa isa pang lalaki na sa tingin ko ay si Willy na kausap nitong babaeng to.

"Hey guys? Kumain naba kayo? " tanong ni Yvonne. 

Umiling iling si Penny at si Willy na parehas nakaputi mula t-shirt hanggang sapatos.

"Galing ba kayong langit? " natatawang tanong ni Harold. 

"Babe! " sigaw ni Olivia sabay ngiti ng sarcastic. 

"Hehe sorry" sambit naman ni Harold sabay peace sign sa magkapatid. 

"Sige na umupo na kayo dito kumain na tayo" sambit naman ni Yvonne. 

"Pero maam pwede po ba? " tanong ni Penny. 

"Hey Penny and Willy come on kaibigan ko kayo bat niya pako minamaam? " sabi ng babae na katabi ngayon ni Ken. 

Tumango tango ang dalawa at umupo na sa mga bakanteng upuan. 

"Willy right? " tanong ko.

Tumango tango siya. 

"Ilang taon na kayo dito sa paraiso na to? "

"Nandito na kami simula nung pinanganak na kami" sagot nito. 

"Ahhh hindi ba mahirap mabuhay dito? " tanong ko ulit. 

"Hindi naman kase may mga mapagkukuhaan naman ng pagkain eh at may source naman kami ng electricity kaya parang nabubuhay din kami gaya ng mga taga labas" sagot ulit nito. 

"Ahhh nasaan ba parents niyo? " tanong ko ulit. 

"My father and mother pass away 6 years ago namatay sila sa car accident pinamana samin nila mama at papa tong paraiso" sagot ulit nito. 

"Eh kayong dalawa lang ba tao dito? " tanong ko ulit. 

"Oo, kami narin kase ang care taker ng lugar na to" walang emosyong sagot nito. 

Tumango tango nalang ako at nagpatuloy na sa pagkain. 

Napansin kong nakatingin sakin ang babaeng hindi ko alam ang pangalan.

Teka sino ba talaga siya? Kagabi pa namin siya kasama pero hindi pa namin alam ang pangalan niya. 

"Miss ano ba talagang pangalan mo? " tanong ko. 

"Seryoso ka ba? " tanong niya pabalik. 

"Mukha bakong nagbibiro? " sagot ko sabay turo sa mukha ko. 

"Zina Tuan" sagot nito sabay bawi ng buhok. 

Wow ah?  Anong feel niya?

"Ahhh kilala mo naman na siguro kami no? " tanong ko. 

"Ako oo pero si Penny at Willy hindi" sagot nito. 

"Ako si Zach" sagot ko sabay turo sa mukha ko. 

"Yung katabi ni Zina siya si Ken, etong katabi ko si Yvonne, yung mukhang batang hamog si Harold at yung mala anghel niyang jowa si Olivia"

"Ahmm nice to meet you all" singit ni Penny sabay bow sa amin. 

"Teka? Taga Korea kaba? " sigaw ni Harold at lahat kami nagtawanan habang kumakain. 

*****

End of chapter 16
Thanks for reading. 

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now