Third person's POV
Habang naglalakad sa loob ng unibersidad halos lahat ng madaanan ng grupo na kinabibilangan ni Zach at Yvonne ay napapalingon sa mga ito.
Sikat ang kanilang grupo dahil sa galing ng mga ito sa iba't ibang larangan.
Si Yvonne hindi man halata sa kanyang maamong mukha pero isa siyang black-belter sa Karate.
Si Olivia siya ang pinaka matalino sa magbabarkada, matalino ito pero hindi nito winawala ang kanyang sarili sa uso.
Si Ken siya ang dancer sa kanilang magbabarkada siya ay kasama sa pinakamagaling na dance troupe sa kanilang campus.
Si Harold siya ang gitarista at bokalista ng pinakasikat na banda sa kanilang paaralan kilala siya sa larangan ng pag awit, hindi na ito nakakabigla dahil ang kanyang ama ay isang tanyag na mangaawit.
At si Zach siya ang tinagurian sa kanilang eskwelahan na "King of the campus", lahat ng estudyanteng lalaki ay iniilagan siya, lahat ng mga maangas na lalaki hindi siya kayang sabayan kung siya na ang magaangas, kilala rin siya bilang isang miyembro ng basketball team ng kanilang unibersidad at siya rin ang leader ng Teamshoutout.
Sa hindi sinasadyang pagkakataon napadaan ang barkada sa mga locker at doon nakarinig sila ng mga bulong mula sa grupo ng mga kababaihan.
"Diba siya maangas na umiyak sa babae?"
"Oo siya nga yun!"
"Ayan gangster,gangster kase kaya siguro siya hiniwalayan ng girlfriend....."
Hindi pa natatapos ng babae ang kanyang sinasabi ng bigla silang tinitigan nila Yvonne, Olivia, Harold at Ken.
Kita sa mga mata ang kaba at niyerbiyos ng mga ito ng mapagtantong lilingunin na sila ni Zach.
"You don't know the real story bitches so shut the fuck up." kalmado at walang emosyong sambit na lamang ni Zach.
Habang umaalis saglit na nilingon ni Yvonne ang tatlong babae at biglang inambahan niya ito ng kamao na parang nagbabanta, napangiti na lamang siya at si Ken.
"Bro,hahaha ayos yung pananakot mo ah, paturo nga ako! " tumatawang tugon ni Harold sa pagsagot nito sa tatlong babae
"Tumahimik ka muna Harold, ang aga aga ang ingay mo sa campus, suntukin ko esophagus mo eh." Pabirong banta ni Olivia kay Harold.
"Tsk. Crush mo lang ako eh." sagot naman ni Harold sabay kindat.
"Ewww" Sambit na lamang nila Yvonne at Olivia sabay akto na para bang nasusuka.
"Guys, we're classmates!! " Nakangiting anunsiyo ni Ken habang nakatitig sa isang bulletin board.
"That's great! "
"Tabi kami ni Olivia ah!"
"Mamanyakan mo lang ako eh"
"Manyak agad? Diba pwedeng kokopya lang?"
Dahil sa pag aasaran ng dalawa di napigilan nila Yvonne at Ken na magtawanan, maski si Zach napangiti sa pagaasaran ng dalawa.
"Ayieee ngumiti na siya! " natutuwang sambit ni Yvonne sabay pisil sa pisngi nito na para bang bata.
"Okey let's go to our classroom, mahirap ng malate sa klase baka mapa get out pa tayo ng mga prof natin." Nakangiti man ang anunsiyo ni Zach bakas parin sa mukha nito ang sakit na pinapasan.
"Alright basta tabi ko si Olivia!" Singit naman ni Harold kaya siya ay pinagsasambunutan ni Olivia na siya namang nagpatawa na naman sa buong barkada.
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex