Chapter 25: Positives

13 1 0
                                    

Zach's POV

"Ahh ganon pala yun nagtapos" sambit ni Zina na biglang lumublob sa tubig. 

"Ganon man yun nagtapos atleast tapos na atleast hindi nako masasaktan" sambit ko na may ngiti sa labi. 

"Nice ang positive mo naman pala" sambit naman ni Willy na kanina pa pala nakikinig sa amin. 

"Hindi ko lang alam" sagot ko naman. 

"Kailangan mo maging positive Zach, dahil pagkalabas mo ng paraisong ito puro negative na ang madadatnan mo" sambit naman ni Penny at tinapik niya ang likod ko.

Napabuntong hininga ako at lumangoy.

Umahon ako at tirik ang araw pero hindi ako naiinitan, ano bang nangyayare?

"Gutom nako!!!" sigaw ni Harold habang hawak ang tiyan niya.

"Kailangan mo paba iannounce?" sambit naman ni Olivia habang nakangiti. 

"Salamat ka mahal kita" sagot naman ni Harold. 

"Thank you" sambit naman ni Olivia at hinalikan sa pisngi si Harold. 

"Tama na nga landi kain na nga tayo" sambit naman ni Ken. 

Sabay sabay kaming umahon sa dagat at pumunta sa kusina. 

May naramdaman akong may humawak sa kamay ko. 

"Oh bakit? May angal? " wika sakin ni Yvonne habang may ngiting nakakatakot. 

"Wala" sagot ko naman sabay ngiti at hinawakan pabalik ang kamay niya

Teka mali tong ginagawa ko, hindi dapat ako magmahal at bestfriend ko siya hindi pwede.

Binitiwan ko ang kamay niya at nauna ng pumasok sa kusina. 

"What's wrong dude? " tanong ni Zina na nasa tabi ko pala. 

"Bakit may mali ba? " painosente kong tanong at ngumiti ng bahagya. 

"Maging positive ka lang dude, wag ka muna maging nega, kakakwento mo lang sa amin ng mga pinagdaanan mo oh, bigyan mo ang sarili mo ng mga positibong bagay, diba ayun nga yung ibinakasyon niyo? Para maging positive at magsimula ulit? " pabulong naman nitong sambit masasabi kong sencire ang mga payo niya dahil sa mata niya. 

"Anong dapat kong gawin? " tanong ko naman na ngayon ay nakatingin na sa alon na humahampas sa dalampasigan. 

"I can't answer that, ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong sa kaisipan mo Zach" sagot naman ni Zina at kinain ang hotdog na nasa tiridor niya. 

Habang kumakain di ko maiwasan na magnakaw ng tingin kay Yvonne, ngayon ko lang narealize, she's cute and she's more beautiful than Ivy.  Teka Zach bat mo pala pinagkukumpara bestfriend mo sa isang mangiiwan hay jusko. 

Pagkatapos ko kumain nagpaalam muna ako sa kanilang lahat para lumabas at maglakad lakad. 

Habang naglalakad sumasalubong parin sa akin ang malamig na simoy ng hangin at nag magandang musika na likha ng huni ng ibon at paghampas ng alon. 

"Ma, Pa tulungan niyo naman ako oh" sambit ko at umupo muna sa harap ng dagat. 

"Nahihirapan nako magdesisyon para sa sarili ko, Pa hindi kona alam kung anong nararamdaman ko, Ma hindi kona alam kung anong susundin ko" sigaw ko at humiga na sa buhangin. 

Ipinikit ko ang mata ko at inalala ang mga bagay na masarap alahanin. 

Ngunit walang lumalabas sa isipan ko at tumayo nalang ako. 

Tinignan ko ang kalangitan at magtatakip silim na pala.  Sobrang ganda nito tignan sana nandito si Yvonne para makita ito. 

"Zach hindi kaba sasali sa bonfire? " napalingon ako dahil kilala ko na kung sino ito at napangiti ako.

"Shempre sasali ako" sagot ko naman. 

******

End of chapter 25

Thanks for reading
Please vote and comment are highly appreciated.

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now