Chapter 28: White lights

13 1 3
                                    

Zach's POV

Tumakbo ako papunta sa kwarto nila Willy at Penny, tagaktak na ang pawis ko dahil sa kaba at pagod. 

Kasabay ng pagtakbo ko ang paghampas sa akin ng malamig na simoy na hangin at ang musikang ginagawa ng alon sa pag hampas sa pangpang. 

Nakadating na ko sa kwarto nila.  Patay ang ilaw at nakabukas ang pinto. 

Pumasok ako sa kwarto nila at nakita kong walang Willy o Penny na nakahiga o sa loob nito. 

Hinanap ko sila sa buong kwarto ngunit bigo ako, nangangatog na ang tuhod ko dahil isa isa silang nawala. 

Teka, si Harold at Olivia pupuntahan kona sila bago sila kunin ng liwanag.

Hiningingal man pinilit ko parin ang sarili kong tumakbo.

Damang dama ko ang buhangin sa talampakan ko at ang malamig na simoy ng hangin.

Diretso lang ang tingin ko sa kwarto nila ngunit biglang lumiwanag ito,dahil sa kaba binilisan ko ang takbo ko. Nadapa ako at nasugatan ng bato.

Hindi ko ito ininda at nagpatuloy sa pagtakbo. Unti unting nawawala ang liwanag. Kinakabahan ako kase baka sa pag wala ng liwanag pati ang mga kaibigan ko mawala.

"Zachary,gising na" bigla akong napatigil sa pagtakbo ng makarinig ako ulit ng bosses mula sa ulo ko.

Hindi lang ito basta bosses,bosses ito ni Kenley.

Nagsimula ako ulit tumakbo ngunit bigo ako,wala na ang puting liwanag. Pumasok ako sa kwarto ni Harold at Olivia.

Tulad ng inaasahan ko wala na sila dito,napaluhod na lamang muli ako at umiyak.

Sa oras na ito,pagiyak na lamang ang kaya kong gawin dahil si Harold,Kenley,Olivia,Zina,Penny at Willy ay naglaho na ng parang bula.

May natitira pa! Si Yvonne. Agad akong tumayo at pinunasan ang luha ko. Ngunit may nahulog mula sa higaan nila.

Dalawang puting rosas. Katulad ng nakita ko sa kwarto nila Ken.

Pinasok ko ito sa bulsa ko kasama ang isang rosas na nauna ko ng nakuha kanina.

Tatakbo na sana ako ngunit may puting liwanag nanaman na nagpakita,pero hindi na ito sa mga kwarto, nandoon na ang ilaw sa isang isla na hindi kalayuan mula sa akin.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang speedboat sa may dalampasigan.

Agad agad akong tumakbo palapit dito at tinulak ito papunta sa dagat, sinakyan ko ito dahil nadikit lang pala ang susi nito.

Binilisan ko ang pagmamaneho, hindi man gaanong sanay pinapatakbo ko parin ito sa pinaka mabilis na pwede nitong itakbo. 

Medyo malayo pala ang isla akala ko malapit lang.  Tuloy parin ako sa pagmamaneho kahit matalsikan man ako ng tubig. 

Nakakapagtaka bakit ni lifeguard wala dito?  Bakit?

Malakas parin ang sinag ng puting ilaw, mas malakas pa ito kaysa sa tatlong nauna kanina. 

Malapit nako sa isla at parang nagiiba na ang tunog ng Speedboat tinignan ko ang fuel, empty na ito. 

"Damn it" sambit ko na lamang. 

Tinalon ko na lamang ang dagat kahit napaka lalim nito at kahit pa madilim. 

Lumangoy ako at sakto nakapasok narin ako ng isla.  Tahimik lang dito at payapa, at ang ilaw ay unti unti naring naglalaho. 

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang ilaw na ito at pumasok ako sa masukal na gubat. 

Andaming halaman dito at mga dahon na hinaharang ang daan.

Nang makita ko ang dulo ng ilaw. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. 

Si Zina may pakpak, at mukhang hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama siya. 

Bakit may pakpak si Zina? Anong meron? Ano bang nangyayari sa paraisong ito. 

******
End of chapter 28
Malapit na matapos ang story i think 2 chapters nalang, i hope you read it until the last word written here. I love you all
-Mousikenyne
Thanks for reading <3

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now