Chapter 29: Revelations

12 1 0
                                    

Zach's POV

Totoong totoo nga ang nakikita ko.  Si Zina may pakpak, puting pakpak at nakaharap sila sa isang fountain na hindi kalakihan kung saan umaagos ang tubig mula dito. 

"Zachary!!! Gising na!  Hoy" tinakpan ko ang tenga ko dahil may narinig nanaman akong bosses at this time bosses naman ni Harold. 

Hindi ko na lamang inisip yun at dineretso ang tingin kay Zina. Itinaas ni Zina ang kanyang kamay ganon din ang kasama niya at naghawak hawak sila. 

Ano bang meron? Bakit parang nagdadasal sila, lahat sila nakapikit at may mga salitang binibigkas ng walang bosses. 

Lumapit ako sa kanila ng dahan dahan lahat nga sila nakapikit.  Binaling ko ang tingin ko sa mga kasama ni Zina, tinitigan ko ang mukha nila isa isa, kinilabutan ako ng makita ito, parang pamilyar sila, at parang nakita ko na sila dati, pero alam kong si Willy at Penny lamang ito. 

"Zachary" agad akong na pa takip sa mga tenga ko ng marinig kong may tumawag sa akin, hindi ito galing kay tita o kay tito, hindi rin to galing kay Olivia, Ken at Harold. Nanggaling ito kay Ivy. 

"Zachary gising na please, sorry sa desisyon ko sorry" para bang dinurog ang puso ko ng marinig ko siya ulit na umiiyak na.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon nasipa ko ang bato na malapit sa akin nagulat ako at tinignan sila Zina. 

Lahat sila nakatingin sa akin, akala ko magagalit sila ngunit ang lambing ng kanilang mga mata. 

"Zach bakit hindi kapa natutulog? " tanong ni Zina na para bang walang nangyari kanina. 

Hahawakan niya sana ako ngunit umiwas ako. 

"Wag mo kong hahawakan, bakit may pakpak ka? Bakit si Willy at Penny ay meron din? Anong nangyayari sa paraisong ito" sunod sunod na tanong ko. 

"Nasaan na ang mga kaibigan ko?" tanong ko habang tumutulo na ang mga luha ko. 

"Bakit ka umiiyak? " tanong nito sa akin at nginitian ako. 

Ipinagpatuloy ko lamang ang pagluha ko ng bigla na lamang niya akong hawakan. 

"Dapat kang maging masaya, dahil ligtas na sila" nanlaki ang mata ko sa gulat ng marinig ang sinabi niya. 

"A--anong ligtas? " pautal utal na tanong ko, dahil sa pagiyak ko nahihirapan na akong magsalita. 

"Tumingin ka sa paligid" wika niya at tinuro ang buong isla gamit ang kanyang kamay.  "Lahat ng nakikita mo dito ay produkto lamang ng iyong isip" sambit nito at sa isang pitik lamang ng daliri ay biglang nagbago ang kapaligiran. 

Lahat ng nakikita ko ay purong kaputian maliban lamang sa fountain na to at kay Yvonne na nasa malayo nakahiga at natutulog. 

"Nasaan ang iba kong kaibigan? " tanong ko. 

"Ligtas na sila pa ulit ulit ka naman" sambit nito at nginitian ako. 

"Pano sila naging ligtas? " tanong ko.

"Nandito kayo sa stage kung saan bubuhayin kayo o didiretso na kayo sa langit" sagot nito na may ngiti sa labi. 

"Bubuhayin? Anong sinasabi mong bubuhayin? " litong tanong ko. 

"Naalala mo yung nagmamaneho ka ng van? Sobrang bilis mo at sa sobrang bilis ng pagpapatakbo mo hindi mo napansin na may bubog sa daan at humampas kayo sa isang malaking puno" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sinabi niya iyon. 

"Ibig sabihin kasalanan ko pala ang lahat? " tanong ko habang namumuo nanaman ang luha sa mata ko. 

"Lahat ng bagay nangyayari dahil may rason" bigla akong napalingon ng marinig ko si Willy na nagsalita. 

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now