Chapter 23: The day I said I love you too

21 1 0
                                    

/flashback/

"Girlfriend mo ba talaga yun pare? " tanong ni Harold. 

"Ewan, hindi ko naman niligawan yun eh" sagot naman ng naguguluhan paring si Zach. 

"Okey na yun pare astig naman eh chicks nga eh" sambit naman ng natatawang si Ken. 

"Anong nakakatuwa pare? " tanong naman ni Zach. 

"Yung babae kanina hahaha halatang kulang sa pagmamahal eh" natatawang sagot nito. 

"Pano mo naman nasabi? " tanong ulit nito. 

"Pre, magingat ka mukhang iba kase ang intensyon ng taong yun, hindi ata relasyon hanap nun, atensyon ata hanap nun" sagot naman ni Ken. 

Napabuntong hininga na lamang si Zach at Kinapa ang bulsa nito. 

"Teka nasaan Cellphone ko? " takang tanong ni Zach. 

"Ayan kakaisip mo sa babaeng yun nalimutan mong inabot mo kay Yvonne yung Cellphone mo" natatawang sambit ni Harold na ngayon ay tinitipa ang gitara niya. 

"Nasaan na si Yvonne? " tanong naman ulit nito. 

"Mukhang nag phophotoshoot sila sa kabilang building" sagot naman ni Ken na ngayon ay nakaturo sa direksyon ng building. 

"Sige babye muna! " sambit ng binata at tumakbo papunta sa direksiyon ng building. 

*******

Yvonne's POV

"Ang ganda talaga ng cellphone ni Zach" sigaw ni Olivia na kanina pa nagseselfie gamit ang Cellphone ni Zach. 

"Hoy teka ako naman" reklamo ko habang nakakunot ang noo.

"Oh ayan na nga iiyak kana eh" sagot naman sakin ni Olivia habang humahalakhak. 

"Thank you bitch" sarcastic kong sagot. 

"Your welcome bitch" sarcastic na sagot sakin ni Olivia. 

While taking some pictures ngayon ko lang napansin na ang ganda pala ng building na to. 

Punong puno ng bulaklak ang pader at kulay green pa ang pintura ng mga ito.

"Ang payapa dito" bulong ko sa sarili ko. 

"Oh ano tapos kana ba mag selfie tara picture naman tayong dalawa" reklamo ni Olivia. 

"Sige na nga one, two ,three smile" matapos ang hudyat sabay kaming ngumiti ni Olivia na nakaharap sa front camera ng cellphone ni Zach. 

"Tara na baka hinahanap na tayo nila Zach" pangaaya ko sa kanya. 

Sa isang iglap biglang tumunog ang ringtone ni Zach at nakalagay dito ang isang unknown number. 

Dali dali ko itong sinagot. 

"Mr. Zachary De Guzman? " sambit ng babae sa kabilang linya.

"Hindi po ako si Zachary may kailangan po ba kayo sa kanya? " tanong ko. 

"Sino po ito? " tanong ulit ng nasa kabilang linya. 

"Kaibigan po niya may kailangan po ba kayo sa kanya?" tanong ko. 

"Miss pakisabi sa kaibigan mo nasa hospital ngayon ang nanay at tatay niya, pinunta sila dito at kritikal ang lagay nila, nakita silang na car accident sa kahabaan ng highway sa Westpark, salamat" biglang namatay ang tawag.

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now