Third person's POV
6 years later.
"Hello mahal,opo mamaya magkita tayo ah? Magpabango ka baho mo pa naman amoy pawis ka" pangaasar ni Ivy sa kanyang nobyo at pinatay na ang tawag.
"Ivy, be honest mahal mo ba talaga yang Zach nayan? O kailangan mo lang talaga ng atensyon?" tanong sa kanya ng pinsan niyang si Joyce.
"Oo naman, sa tingin mo ba papaabutin ko ng anim na taon ang meron kami kung hindi ko talaga siya mahal?" sambit naman ni Ivy na ngayon ay taas baba na ang kilay.
"Eh pano kung dumating si tito at tita?" tanong naman ni Joyce.
Natahimik si Ivy at panandaliang yumuko.
"Pinsan sinong pipiliin mo? Si Zach o ang mga magulang mo?" tanong ulit ni Joyce pero bakas na sa tono ng bosses nito ang pagaalala para sa pinsan.
"Ewan pero kung dumating man sila,sasama ako sa kanila at alam kong maiintindihan ako ni Zach" sambit nito at nagpaalam na para makipagkita kay Zach.
*****
"Baby!!" sigaw ni Zach sa kanyang kasintahan na hinahap siya sa basketball court.
Agad agad na lumapit si Ivy at sinugod ng yakap ang kanyang nobyo.
"Namiss mo nanaman ba ako? " nakangiting sambit ni Zach at niyakap pabalik ang kasintahan.
"Miss mo ulo mo" sambit naman nito at inirapan si Zach.
"Nako nako beastmode ba bebe ko" pangsusuyo ni Zach pero hindi parin ito natinag sa halip ay kumawala ito sa pagyakap at tinalikuran si Zach.
"Ayiee ayaw mo ng ganon ah ganito nalang"
"A--anong... " hindi pa natatapos ni Ivy ang sasabihin niya ay bigla na lamang siyang Binuhat ni Zach.
"San moko dadal.... " hindi pa ulit natatapos sa pagsasalita si Ivy ay agad na hinalikan siya sa labi nito.
"Bwiset patapusin mo nga ako" sambit nito pero bakas sa mukha nito ang labis na kasiyahan.
"Kakain tayo! " wika nito at pinasok ni Zach sa loob ng pulang van niya si Ivy.
"Manyak ka din eh no? " sambit nito.
"Manyak sayo" sambit nito at kinindatan ito.
Umiwas ng tingin si Ivy at tumingin sa labas.
"Oh bakit? May nasabi ba ako? " tanong ni Zach na may halong pag-aalala.
Humarap sa kanya si Ivy at ngumiti.
"Hindi kinilig lang ako" sambit nito at hinalikan naman sa pisngi si Zach.
*****
Masaya na kumakain ang magkasintahan sa fastfood chain na malapit sa kanilang paaralan.
Habang kumakain sila panay ang ngiti ng mga ito sa isa't isa na tila ba wala ng bukas.
"Baby mag ccr muna ako pwede? " paaalam ni Ivy.
"Bakit anong gagawin mo? " tanong naman nito.
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex