Chapter 14: Are you ok?

14 1 0
                                    

Zach's POV

Andaming naglalaro sa isipan ko, diyos ko ano bang nangyare? Buhay paba ako? Kinukuha na ba ako ni bro? 

Tinaas ko ang ulo ko at tinignan ang kapaligiran nasa gilid kami ng kalsada at si Yvonne, Ken, Harold at Olivia ay natutulog parin.

"Hey guys kanina paba tayo tulog? " tanong ko sa kanilang lahat pero si Yvonne lamang ang aking niyuyugyog para magising. 

Unti unti kong nakita na nagsisigisingan na sila.

"Ano bang nangyare ha? Zach inaantok kana ba? Pwede naman muna tayo magpalit eh" wika ni Ken. 

"Hindi bigla kase akong pinapreno ni Yvonne ang tanong bakit ako pinapreno ni Yvonne? " wika ko. 

"May nakita kase akong tumatawid na babae Zach" sagot ni Yvonne at nakatingin parin sa daanan. 

"Kung ganon totoong may mga elemento talaga dito? " tanong ko. 

"Bobo hindi naman engkanto ang nakita ni Yvonne, babae ang nakita Zach! " sagot ni Ken. 

"Are all of you are ok? "

Napabalikwas kaming lahat sa gulat ng biglang may sumulpot na babae sa bintana na malapit kay Yvonne. 

"Ah eh oo okay lang kami miss, teka miss nakita moba yung mga nangyare kanina? " tanong ko sa babaeng biglang sumulpot. 

"Tatawid sana ako kaso ang bilis niyo sa sobrang takot ko napatigil ako sa kinatatayuan ko at nakita kong iniliko mo yung van niyo tapos yun eto nakatulog kayo" sagot ng babae gamit ang kanyang malumanay na bosses. 

"Pasensya na sa driver namin miss ah? " wika ni Ken. 

"Gago naririnig kita" sambit ko naman. 

"Teka miss taga saan kaba? " tanong ni Ken. 

"Taga dulong bayan ako kaso naglayas ako sa amin mga dalawang araw na akong naglalakad sa kalye na to" sagot naman niya. 

Agad kaming nagsitanguhan at tinitigan siya.  Maamo ang mukha niya hindi siya mukang naglayas, mukha lang siyang gumagala. 

"Any way saan punta niyo? " tanong ng babae sa amin. 

"Doon sana sa may Beach na malapit sa kabilang bayan" sagot ko. 

"Hay nako, wag kayo magpauto sa mga video at adds na nagpropromote sa beach nayun, lahat yun pawang kasinungalingan lamang" taas noong sagot nito. 

"Ah eh doon kase namin napagpasyahan pumunta miss eh" wika ni Yvonne. 

"Doon nalang tayo pumunta sa Paradise of reality, ang paraiso na maipupunta ka sa katotohanan" sambit nito. 

"Malayo ba yun miss? " tanong ko. 

"Malapit lang yun, gusto niyo ituro ko kung saan kayo dadaan? "

"Sige miss ituro mo samin at doon nalang kami pupunta" sagot ko. 

Tinignan ko ang direksyon niya at nakita kong nakatingin lang sa baba. 

"Oo miss kasama ka samin shempre" sagot ko. 

"Sige tara na saan ako sasakay? " tanong ulit nito. 

"Sige diyan ka sa passenger seat, Yvonne at Zach, dito kayo sa backseat" sabat ni Ken. 

"Naririnig mo ba pinagsasabi mo? " tanong ko. 

Tinignan ko siya pero diretso lamang ang tingin niya sa akin. 

"Oo na eto na, tara na Yvonne masama na baka makain pa tayo ng labi ni Ken" pagaya ko kay Yvonne. 

"Tara na miss pasok kana, ituro mo lang sa amin ang daan"

Pumasok na si Ken sa Driver's seat at ang babae naman sa passenger seat. 

"So siksikan is real tayo dito? " tanong ni Yvonne. 

"Kandong nalang kita" sagot ko. 

"Dimoko kaya Zachary" sagot ni Yvonne. 

"Ano kaba buong team ko nga binubuhat ko eh, ikaw pa kaya? "

Pinagpagan ko ang itim na rip jeans ko at tinuturo ito gamit ang nguso. 

"Ok fine siguraduhin mo lang na safe to ah" wika ni Yvonne. 

Tumangotango na lamang ako at di nagtagal umupo na siya sa lap ko. 

Pinaandar narin ni Ken ang van at binaybay ang daanan na sobrang haba. 

******

End of chapter 14
Thanks for reading... 
I love you all whahahaha

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now