Third person's POV
/flashback/
"Come on Zach tara na gala na tayo! " pagpupumilit ng binatang si Ken.
"Saan ba tayo pupunta? " tanong naman ni Zach
"Edi gagala sa buong campus tara na" pagpupumilit naman ni Harold.
Napabuntong hininga si Zach at tumingala
"Hey dude stop day dreaming! Olivia and Yvonne are waiting for us" sambit ni Ken at binatukan ang kaibigan.
"Kailangan talaga may batok? " tanong ni Zach na nakahawak parin sa kanyang batok.
"Hahampasin pa kita ng gitara pag hindi kapa sumunod! " natatawang sambit naman ni Harold habang hawak ang kanyang pulang gitara.
"Baka gusto mong ikaw hampasin ko niyan" sambit naman ni Zach at napangiti pa ito.
"Shit" bulong ni Zach at tinitigan ang taong nasa likuran ng kanyang mga kaibigan.
"Bakit? " tanong ni Harold.
Tinuro ni Zach ang direksiyon ng likod ni Harold at Ken.
"Putang ina ano ba kase yon? " pasigaw na tanong ni Ken.
Napa kamot na lamang ng noo si Zach at ngumiti ng bahagya.
"Baliw kana ba? " tanong ni Harold.
"Hindi siya nababaliw, natatakot siya" bulong naman ng guro na siyang tinuturo ni Zach kanina pa.
"Takbo! " sigaw ni Zach at sa isang iglap biglang nagsi takbuhan ang mga binata palayo sa guro.
"Shit ambilis tumakbo ng matanda! " sigaw ni Ken.
"Sinong matanda Mr. Crawford? " tanong naman ng guro na hinahabol parin sila.
"Ikaw po Mr. Ross" sigaw naman ni Harold na ngayon ay tumatawa parin habang tumatakbo
"Bilisan niyo naabutan na tayo ni super lolo! " sigaw naman ni Zach na nakalingon sa likod niya upang tignan ang mga kaibigan na nasa likod.
"Ouch!!!! " sa isang iglap biglang tumama sa isang babae si Zach, kapwa sila natumba sa sahig ay kapwa sila nahihilo.
"Holy shit ano bang ginawa mo Zach? " tanong ni Ken na ngayon ay inaalalayan ang kaibigan para makatayo.
"Huli ka na ng matandang sinasabi mo mr. Crawford" sigaw ng guro at hinawakan ang kwelyo nito.
"Sir saglit lang po, si Zach po nakabangga ng babae parehas po silang nahihilo, tignan niyo po" natatarantang sambit naman ni Harold.
"Ano ba kaseng pinaggagagawa niyo? Mga sakit talaga kayo sa ulo!" sigaw naman ng guro na ngayon ay binitawan na ang binatang si Ken.
"Buhatin niyo tong kaibigan niyo dadalhin natin sila sa clinic" maotoridad na sigaw nito at walang pag-aalinlangan na binuhat ni Ken at Harold si Zach.
"Tang ina mo Zach gumising kana" bulong ni Ken sa kaninang nahihilo na ngayon ay nahimatay na kaibigan dahil sa lakas ng pagkakatama sa babae.
*****
Dahan dahan na idinidilat ng binata na si Zach ang kanyang mata.
"Gising na siya!! " sigaw ni Yvonne na siyang nagbabantay kay Zach.
"Oo gising nako wag kana maingay" sambit nito habang nakangisi.
"Nagawa mo pang ngumisi eh nahimatay ka sa pagkakatama mo doon sa babae" sagot naman ni Yvonne.
Nagsidatingan na ang tatlo niyang kaibigan na ngayon ay may bitbit na mga pagkain.
"Tara kain muna tayo bago umuwi" natatawang sambit ni Harold.
"Grabe parang bowling pin si Zach kanina" natatawang sambit ni Ken.
"Saglit" sigaw ni Zach.
"Bakit? " tanong naman ng kanyang mga kasamahan na nag-aalala para sa kanya.
"Yung babae? Nasaan na siya ngayon? " tanong nito.
"Nandoon sa kabilang kama" sambit ni Harold na ngayon ay nakaturo ang nguso sa direksiyon ng kama sa kanilang sulok ng clinic kung saan nakahiga ang walang malay na babae.
"Sige saglit lang ah" sambit naman ni Zach bigla siyang tumayo.
"Don't worry im okey" sambit naman nito at kinuha ang isang supot ng flat tops.
"Miss gising" sambit ni Zach habang tinatapik ang balikat ng babae ngunit bigo ito na gisingin ang babae.
"Hoy miss gumising kana please" sambit ulit nito ngunit sa pagkakataong ito mas nilakasan niya ang bosses niya at mas tinapik ng husto ang balikat nito.
Ngunit bigo pa rin itong gisingin ang babae.
"Sige miss pag hindi ka pa gumising ikikiss na kita " sigaw naman nito at lalapit na sana siya sa mukha ng babae ng biglang dumilat ito.
"A--anong ginagawa mo? " pautal utal na tanong nito.
"Tinitignan ko lang kung anong kulay lipstick mo" pagpapalusot ng binata.
"Ikaw!! Ikaw yung lalaking bumangga sakin kanina" pagwawala ng babae.
"Hehe sorry miss, oh eto sayo nato, peace offering ko yan" sambit ni Zach na nakangiti at inabot ang isang balot ng flat tops dito.
"Okey apology accepted" sambit ng babae at kinuha ang isang balot ng flat tops sa binatang si Zach.
"What is your name? " tanong ni Zach.
"That's not your business anymore" sambit naman ng babae habang sabik na binubuksan ang binigay ng binata.
"Edi akin nayang flat top" sambit naman ni Zach at kinuha ang flat top sa dalaga.
"What the!! Bakit mo kinuha? " tanong ng babae dito na ngayon ay asar na asar na sa ginawa ni Zach.
"That's not your business anymore" sambit ni Zach na ngayon ay nakangisi na.
"Okey fine im ivy Yap, section 7,happy? " sigaw ng babae.
Napangiti si Zach at iniwan na ang isang balot ng flat top sa babae.
*****
End of chapter 21
Thanks for reading :)
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex