Zach's POV
Shit kinakabahan ako,lamang ang SMB ng tatlo at wala ng dalawang minuto ang natitira sa laro dalawa kami ni Olivia na halos pumasok na sa TV dahil sa sobrang lapit namin dito.
"Wag ka ng umasang mananalo magnolia Zach wahahaha!" Narinig kong pangangasar ni Harold.
"Stop idiot!" Sigaw naman ni Olivia kaya napabuntong hininga na lamang ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Championship feels nga kase.
"Tignan mo nga naman oh magnolia din pala yung brand ng ice cream nato!" Sigaw ulitni Harold habang kumakain ng ice cream na kanyang binili kanina.
98-99
Lamang ng isa ang SMB bola pa ng Magnolia at meron nalang natitirang 9 seconds sa laro.
"Shit ibigay niyo kay Paul Lee!!" Sigaw ko.
"Pag di kaya kay Jalalon!!" Sigaw naman ni Olivia.
Nakita kong pinasa ni Mark Barroca kay Paul Lee ang bola at tinirahan nito ang player ng SMB kung tama ang pagkakaalala ko si Chris Ross yun.
"Paul Lee for the championship! Bang!!!!!! "
Rinig namin ang sinabi ng Commentator, sa isang iglap napuno ang sala namin ng sigawan namin ni Olivia dahil sa tuwa na nagchampion ang team na sinosoportahan namin dahil sa 3 point shot ni Paul Lee.
"Whooo!! Hahaha ang galing!!! "
"Woi takte yung ice cream!! "
"Ang ingay!! "
Rinig ko ang sigaw nila Harold, Yvonne at Ken.
"Harold may ice cream pa ba? " tanong ko kay Harold.
"Yes naman meron pang 4 na galon sa fridge niyo!" Sagot naman ni Harold.
"Okey I'll gonna get that ice creams! Mag cecelebrate tayo!! " anunsiyo ko naman.
"Wait samahan kita Zach baka malaglag mo yung ice cream magalit pa si Ice cream monster! " sambit ni Yvonne sabay turo kay Harold gamit ang nguso niya.
"Narinig ko yun! " sagot naman ni Harold.
Dali dali kaming pumunta sa kusina kung nasaan ang fridge at nakita namin ang 4 gallons ng ice cream.
"Oh eto dalhin mo to! " utos ko kay Yvonne sabay bigay sa kanya ng isang galon ng ice cream na chocolate flavor.
"Wait Zach" napatigil ako sa pagkuha ng ice cream ng tawagin ako ni Yvonne.
"Bakit? " kaswal na tanong ko.
"Okey kana ba talaga? " tanong nito pabalik.
"I'm ok na bestfriend, you know what? Ang laki ng pasasalamat ko sa inyo kase dahil sa inyo nakakangiti at nakakatawa na ulit ako gaya ng dati" sagot ko na lamang habang may ngiti sa labi.
"But,yung heart mo?ready na ba mag mahal ulit?" Tanong ulit ni Yvonne.
"Not now Yvonne,mahirap na,baka masaktan ulit!" Sagot ko na lamang.
"Oi mga ugok yung ice cream baka matunaw bilisan niyo na pumunta na kayo dito!" Sigaw naman ni Harold mula sa sala.
"Oo eto na wait lang!" Sabay naming sigaw ni Yvonne.
Dali dali kaming bumalik sa sala dala ang mga galon ng ice cream.
Lahat kami masaya dahil sa nagchampion ang team na sinusuportahan namin ni Olivia, pero itong si Harold, mukhang masaya lang to kase nakakakain ng ice cream and besides Olivia is sitting beside him.
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex