Chapter 11: Hey Zachary

18 1 0
                                    

Yvonne's POV

"Ang sarap talaga mag jogging sa umaga no? " bati sakin ni Ken na sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakasalubong ko. 

"Ah eh oo nga eh" utal kong sagot habang nag jojogging parin,  "Hey by the way bakit ka pala nagjojogging? " takang tanong ko. 

"Ah para hindi nako mag push up tsaka sit ups mamaya sabi kase ng choreographer namin magjogging nalang kami kung ayaw namin mag push up at sit ups" sagot naman nito at ibinaling narin ang tingin sa daan. 

"Eh ikaw bat ka pala nag jojogging? Eh wala pa naman kayong training ah? " tanong niya. 

"Shempre gusto ko maging ready parin ang katawan ko, ayoko kalawangin mahirap na, karate nalang bumubuhay sa education ko kaya i need to stay healthy" sagot ko at nginitian siya. 

"Ah ganon ba?  " tanong niya ulit kaya napatango tango na lamang ako. 

Nagjogging lang kami ng nagjogging nang biglang may nakita kaming nakaupo sa bench sa likod pa lamang nito at sa suot pa lamang nito na basketball jersey alam ko ng si Zachary to. 

Mukha siyang malungkot at nagiisip ng hindi makamundong bagay. 

"Hoy De Guzman!!! " sigaw ni Ken at nagulat ako ng hindi siya pinansin ni Zach. 

"Hoy Zach" lalo akong napailing ng hindi parin kami nililingon ng kupal nato. 

Kaya agad agad namin siyang nilapitan at sabay kaming napailing ni Ken ng makita itong nakasuot ng headset at may video na pinapanood sa cellphone niya. 

"Hoy ang aga aga porn agad! " biro sa kanya ni Ken sabay tinanggal ang headset sa tenga nito.

"Oh kayo pala? Kanina pa kayo? " tanong ni Zach at nginitian kami nakangiti nanaman siya shet yung gummy smiles niya waaa. 

"Oo eh kanina pa kami nag jojogging ni Ken" sagot ko na lamang at napathumbs up. 

"Ahhh tara dito kayo panoorin niyo to! " pagaya samin ni Zach at ikinabit sa amin ni Ken ang headset na kaninang suot niyan. 

Agad na bumungad sa amin ang napakagandang dagat pinapanood lamang namin to pero ramdam ko ang kapayapaan sa lugar nato. 

"Ano maganda ba? " tanong sa amin ni Zach na hanggang ngayon ay nakangiti parin, seriously hindi ba siya nangangawit o nagpapacute lang talaga to saki enebe!!!

"Ang ganda dito ah? Saan ba to? " tanong naman ni Ken. 

"Sabi kase ng coach namin sa probinsiya lang daw yan malapit sa Baguio kaya malamang at sa malamang afford natin yan!! " sagot naman ni Zach na ngayon ay tuwang tuwa na napapasayaw pa.  Yung totoo? Dancer ba siya o basketball player?

"Ahhh kelan ba? " tanong ni Ken

"Sa friday night aalis na tayo kase alam kong sa friday may exam tayo at pagkatapos nun pwede na tayo gumala!! " anunsiyo ni Zach na ngayon ay napapatalon na sa sobrang saya. 

"Ano game ba kayo? " tanong naman ni Zach. 

"Im always game basta gala wahahaha! " sagot ni Zach at sa hindi inaasahang pagkakataon biglang napunta sa akin ang kanilanh attention. 

"Ikaw? " sabay na tanong ng dalawa. 

"Ah eh ewan" sagot ko

"Anong sabi mo? " tanong ni Zach. 

"Ewan nga! " sigaw ko. 

"What? Nagdadalawang isip kapa? Tara na kase! " paguudyok naman ni Ken. 

"Oo na oo na!! Wag na kayo makulet! Nastrestress buhok ko sainyo eh! " sigaw ko at sabay naman silang napahiyaw sa saya at nag highfive pa.

"Nasaan ba si Harold at Olivia ngayon? " tanong ni Zach. 

"Si Harold nandoon parin yun sa condo niya sigurado akong tulog parin yun" sagot naman ni Ken. 

"Si Olivia naman nasa bahay nila kinakabisado ata yung periodic table! " sigaw ko at sabay nila akong tinignan ng masama.

"Diwow"
"Corny mo! "

****

"Olivia yohooo!" Sigaw ni Zach at ni Ken. 

Nasa labas kami ngayon ng bahay ni Olivia umagang umaga nambubulabog nanaman tong mga to. 

"Anong kailangan niyo? "

Agad na tumambad sa amin ang tatay ni Olivia na sobrang laki ng katawan. 

"Hehe tito si Olivia po? " tanong ni Zach. 

"Ahhh ikaw pala yan Zachary antagal na kitang hindi nakita ah" bati nito kay Zach, "Nandoon si Olivia sa taas may kasama siyang lalaki dun tinuturuan niya about sa school" dagdag pa nito. 

"Sino po yung lalaki? " takang tanong ni Ken. 

"Yung may tatay na singer, kaibigan niyo rin yun eh hindi ko lang maalala pangalan" sagot pa nito. 

At sa isang iglap nagkatitigan kaming tatlo at napangiti. 

"Tito pwede na po ba kaming pumasok? Pwede po ba namin sila puntahan? " sunod sunod na tanong ko at napatango tango na lamang ang tatay ni Olivia at tinuro ang hagdan na para bang sinasabi na dumaan na kami doon. 

Agad agad kaming pumasok nila Ken at Zach pinuntahan namin kaagad ang kwarto ni Olivia.

May konting siwang sa pintuan ni Olivia at nakita namin silang dalawa nagtititigan.  Shit mag jowa naba sila?

"I love you" sambit ni Olivia. 

Shit? Tama ba yung narinig ko? Nag i love you si Olivia kay Harold?

"I love you more! " sigaw naman ni Harold sa sobrang lakas ng pagkasabi ni Harold halos umabot na ang bosses nito sa baba. 

"Shit guys magkikiss naba sila? " tanong ni Ken. 

"Hehe pigilan natin ang magjowa" sambit naman ni Zach habang naka smirk. 

Agad kaming pumasok sa kwarto ni Olivia at agad silang napabalikwas sa gulat. 

"Anong ginagawa niyo dito? " painosenteng tanong ni Olivia. 

"Hehehe ano munang ginagawa niyo ni Harold? " pilyong tanong ni Zach kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. 

"We're studying here idiots! " sigaw naman ni Olivia. 

"Mga istorbo" bulong ni Harold na ngayon ay nakatingin na sa kawalan. 

Hala? Nagalit ba siya? Nabadtrip siya oh. 

"Sorry big bro" sambit ko naman at agad ko siyang nginitian, nginitian niya ako pabalik kaya nakahinga na ko ng maluwag.  Ayokong nagagalit si Harold masyadong rude to pag nagalit eh. 

"Ano bang kailangan niyo? " tanong ni Olivia. 

"Pwede ba kayo this weekend? " tanong ni Zach. 

"Saan ba tayo pupunta? " tanong ni Olivia. 

"Sa beach resort" sagot ni Zach. 

"Teka ipaalam niyo muna ako kay papa at sasama ako" sambit niya. 

"Wag ka mag alala kaming bahala sa sayo" anunsiyo ni Zach habang nakathumbs up pa at nakangiti. 

******

End of chapter 11

Thanks for reading :)

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now