Chapter 5: Sleepover

27 2 0
                                    

Chapter Five:

"Buti na lang may Zach!"

"Gagsti! Baka kamo, buti na lang may bahay si Zach!"

"Stop idiots! Parang mga walang bahay!"

Tuloy ang sigawan nila Olivia, Ken at Harold ng makarating sa bahay ni Zach. Napabuntong hininga na lamang si Zach at Yvonne na nakatingin lamang sa tatlo. 

"Andami namang french fries niyan?" Tanong ni Yvonne kay Ken. 

"Oo itong isang BFF sakin lang, tapos yung dalawa pang BFF fries hati hati tayo!" agad na napangiwi si Yvonne sa naging sagot ni Ken sa kanya.

"Tatlong box talaga ng Pizza Olivia? Kaya mo bang ubusin yan?" tanong naman ni Zach kay Olivia. 

"Para kasi sa atin itong lahat!" sagot ni Olivia sabay kamot ng kanyang ulo

"Ayan ba't andami niyan Harold?" Tanong ulit ni Zach sabay turo gamit ang kanyang nguso sa 5 gallon ng ice cream. 

"Shempre para may dessert tayo dude! Besides minsan lang ako kumain ng malamig kaya lubos lubosin na natin!" Sagot naman ni Harold na may napakalaking ngiti sa labi. 

"Sige pagkaubos niyan uwi na kayo ah!" Bilin na lamang ni Zach at nakita niya ang apat na kunot noong nakatingin sa kanya. "What? " tanong na lamang nito sa mga kaibigan.

"Since wala dito si Tita dahil sa business trip, makikisleep over kami. 'Wag kang mag-alala lahat kami nagpaalam, maliban kay Ken." Wika ni Yvonne na napakalapad ng ngiti ngunit pinapatunog nito ang kanyang mga daliri na tila ba nagbabanta na sasaktan niya si Zach pag hindi ito pumayag. 

"Oo na sige na nga!" Sambit ni Zach

"Thank you bestfriend!" sigaw ni Yvonne sabay yakap sa kanya. 

"Hoy, wag mo akong yakapin ng mahigpit di ako makahinga!" Pasaring naman ni Zach. 

"Hahahaha! Gusto mo yatang i-headlock kita eh!" biro naman ni Yvonne sabay binitawan si Zach.

"Sige na, dito muna kayo sa sala magpapalit lang ako ng damit, napawisan na damit ko eh, ayokong bumaho!" AAnunsiyo ni Zach at tinignan niya ang mga mukha ng kaibigan na para bang nagpapaawa.

"Ok fine lahat kayo papahiramin ko ng damit." Dagdag na lamang ni Zach, kaya naman napatalon sa saya ang lahat dahil magpapahiram ito ng damit sa kanila.

******

Habang kumukuha ng mga damit sa cabinet ang binatang Zach, may nakita siyang litrato na nahulog mula sa mga nakaipit na damit nito. 

Nakita niya ang litrato na laman siya at ang kanyang dating nobya, bakas sa mga mata nila ang saya habang nakahalik sa gilid ng ulo si Zach at nakatingin sa camera ang kanyang dating nobya. 

Hindi napigilan ni Zach na mapaluha ng maalala ang mga natirang alala mula sa kanyang dating kasintahan. 

"Not now Zach, makaka move on ka din, at darating ang araw na hindi kana masasaktan dahil sa babaeng yan." Bulong na lamang ni Zach sa kanyang sarili. 

Agad na bumaba ang binata na daladala ang apat na basketball jersey na ipapahiram sa mga kaibigan. 

"Guys I'm here, eto pili na lang kayo sa mga yan!" Wika ni Zach at hinagis sa mesa ang mga Jersey na ipapahiram sa mga kaibigan. 

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now