Zach's POV
"Andito na kami!! " sabay na sigaw ni Yvonne at Olivia.
Kapwa kami napafacepalm ni Harold.
"Pre bat ba ang ingay ng girlfriend mo? " pabiro at pabulong kong tanong.
"Ewan ko ba" sagot niya at napahawak sa batok niya.
"Baka naman nahawa sayo? " bulong ko at napatingin sa kanya ng diretso.
"What do you mean? " tanong niya.
"Kakakiss niyo lumipat na sa kanya yung kadaldalan at kaingayan mo" sagot ko at napatawa.
"Gago" bulong niya.
"Tara swimming na tayo!!! " sigaw naman ni Zina at naghawak kamay si Zina, Olivia at Yvonne habang tumatalon at sumisigaw.
"Hey Power puff girls wala pa nga tayong susuotin nagtatalunan na kayo diyan" sambit ni Ken.
"Ayy oo nga no" sambit ni Olivia at napa pout.
"Teka wait sis sabi ni Penny may pinapahiram daw sila dito sa swimming attire " pagpapakalma naman ni Yvonne sa kanya.
"Penny, pwede bang samahan mo kami magbihis? " tanong ni Zina sa kanya.
Tumango tango si Penny at nginitian ang tatlo.
"Yehey! " sabay nilang sigaw.
Naglakad na ang mga babae palabas para makapagbihis na at sandaling tumingin sa amin si Zina.
"Bye mojo jojo" sambit nito at kinindatan si Ken at tuluyan ng umalis.
Napuno ng tawanan ang buong kusina maski si Willy na hindi kami gaano kakilala ay tumatawa nadin.
"Mojo jojo" sigaw naman ulit ni Harold at lalo kaming naghagalpakan sa tawa ni Willy.
"Zach, wake up! "
Shit sino yun? Sumasakit na ang ulo ko.
Humawak ako sa ulo ko at yumuko.
"Zach, Ok ka lang? " tanong ni Willy na ngayon ay nasa harapan ko na pala.
Tumango tango ako at ngumiti.
"Ano ba nangyayare sayo Zach? Dapat nga ako yung sumakit sa ulo kaka asar niyo eh! " sigaw naman ni Ken.
"Oh tama na Mojo jojo baka mamaya maging king kong kana eh! " biro naman ni Harold at nagtawanan nanaman kami.
"Tama na nga yan, Willy samahan mo na kami mag bihis, para makapagswimming na tayo"
Tumango tango si Willy at nagsimula ng maglakad.
"Tara dito" sambit niya at tinuro ang daan na dadaanan namin.
"Willy wala pa bang ibang guest dito maliban samin? " tanong ko.
"Oo Zach nasa boracay ata kase yung iba" sagot niya at nginitian ako.
"Eh sarado na yung boracay diba? " sambit naman ni Harold.
"Haha ewan" sagot niya at nginitian kami.
Nagpahuli ako at binulungan si Harold.
"Hindi ba siya updated sa pinas? " sambit ko.
"Ewan ko lang Zach malay mo wala pang TV dito kaya hindi sila updated sa mga nangyayare" sagot naman niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimula na maglakad.
"Nandito na tayo" anunsiyo ni Willy.
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex