Zach's POV
Lahat kami nagsipuntahan na sa mga kwarto namin, as usual si Harold at Olivia mag ka room mate at si Zina at Ken naman magkasama sa kwarto. At si Yvonne naman ang kasalukuyan kong kasama dito.
"Hello bestfriend" sambit ni Yvonne na ngayon ay nakahiga na katabi ko.
"Bestfriend haha" tipid na sagot ko.
"Wala kaba sa mood? " tanong niya.
Ewan koba naiinis na ko pag tinatawag na niya akong bestfriend.
Tumalikod ako sa kanya at pumikit. Ramdam kong nakatingin parin siya sa akin. Naramdaman ko din na may unti unting gumagapang na kamay.
"Matulog ka na" malamig na sambit ko.
"Yiee pa tingin muna ako ng smile mo" sagot naman niya at niyakap ako ng mahigpit.
"Pag hindi ko pinakita? Anong gagawin mo? " pilyong tanong ko.
"Ikaw ano ba gusto mo? Gusto mo ba ng upper cut o head lock? " sarcastic na sagot niya.
Lumingon ako ulit sa kanya ng biglang naging magkalebel na ang ulo namin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko.
Pumikit ako at dahan dahan naglapit ang mga labi namin.
Sa isang iglap namalayan ko nalang na nakikipaghalikan na ko sa kanya. Ang init at tamis ng halik niya, itong halik na ito ang pinaka hahanap hanapin ko, pero mali ito.
Nang idilat ko ang mata ko kumawala ako mula sa mainit na halik niya at tumalikod.
Naramdaman ko na tumalikod din siya. Pinikit ko na ang mata ko dahil gusto ko ng matulog.
"Zach, mommy tita is here wake up na anak"
Napadilat na lamang ako sa gulat ng marinig ko ang bosses ni tita. Shit nananaginip ba ako?
Tinignan ko ang direksiyon ni Yvonne at payapa na siyang natutulog.
Napaka ganda niya sa paningin ko ngayon. Mukha siyang si sleeping beauty.
"Pasensya na" bulong ko sa kanya at at lumabas muna ng kwarto para magpahangin.
Andaming bumabagabag sa isip ko. Bakit simula ng pumunta kami dito may mga naririnig nakong bosses? Tama ba yung ginawa ko? Mahal kona ba talaga si Yvonne?
Habang humahampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin naka kita ako ng liwanag. Sobrang lakas ng liwanag na ito nanggagaling ang ilaw na ito sa kwarto nila Ken at Zina.
Tumakbo ako papunta sa kwarto nila Ken at Zina.
Nakabukas ito at wala na ang kaninang nakakasilaw na ilaw.
"Ken? " tanong ko. Ngunit walang sumagot.
"Kenley?! " tanong ko ulit ngunit mas malakas na ang bosses ko.
Wala paring sumagot at napilitan akong buksan ang ilaw.
Pag ka bukas ko ng ilaw wala na akong nakitang Ken o Zina man lang.
Nasaan na sila? Bago ako umalis may napansin ako sa bag ni Ken. Isang puting rosas ang nakapatong dito.
"Nasaan ka Kenley? " bulong ko sa sarili ko. Aalis na sana ako ng bigla nanamang umilaw ng napakalakas.
Pero ngayon nanggagaling na ang ilaw na ito sa kwarto nila Penny at Willy.
Tumakbo ako papunta sa kwarto nila baka dahil may alam sila sa nangyayari sa paraisong ito.
Ano na talagang nangyayari? Nasaan na si Ken? Nasaan narin si Zina? At bakit may puting rosas sa bag ni Ken?
******
End of chapter 27This story is about to end na.
Comment kayo ng gusto niyong ending huwahaha. Tignan natin kung ayun ang magiging ending.Thanks for reading <3
YOU ARE READING
Paradise Of Reality
RomanceThese story is full of romance. Story about how the main character survive after his breakup with his ex