Chapter 20: Olivia and Harold

12 1 0
                                    

Zach's POV

"Hehe easy lang, nagsimula to nung araw na pinaka ayaw mong sabihin ko" sambit ni Harold na ngayon ay nakatingin sa malayo. 

"What do you mean? " kunot noo kong tanong. 

"Alam mo yung araw na, hiniwalayan ka ni Ivy? " tanong niya. 

Tumango ako at napatitig siya sakin.

"Nung araw na yun naging kami" ngumiti siya ng bahagya. "Pero hindi naman sinabi sa inyo" dagdag pa nito.

"Bakit hindi niyo sinabi saamin? " tanong naman ni Yvonne. 

"Kase ayaw namin magsaya ng may isang malungkot, gets niyo ba? " sambit ni Olivia.

"Noong araw na yun hiniwalayan ni Ivy si Zach at nung araw din natin sinagot niya ako, ang hirap sabihin sainyo kase alam kong malungkot ka nun dude,pinilit naming ilihim,ang balak kase namin ngayon namin sasabihin kaso nahuli niyo na kami sa kwarto ni Olivia" pagpapaliwanag ni Harold.

"Im so happy" tipid kong sambit.

"Bakit ka naman masaya?" tanong ni Yvonne sakin.

"Knowing that you keep your relationship as a secret for me" napabuntong hininga ako at tumingin sa langit. "Ang saya malaman na concern kayong dalawa sakin" dagdag ko pa at nginitian silang dalawa.

"Shempre kaibigan ka namin kaya dapat kaminh maging concern" sambit ni Harold at napa thumbs up pa ang loko.

"Stop being dramatic idiot" sambit naman ni Yvonne.

"Sagutin mo na kase si Zach!" sigaw naman ni Ken na kasama si Zina,kapwa sila may ngiti sa labi.

Punyeta talaga tong babaeng to.

Tinignan ko ang direksiyon ni Yvonne at nakita ko siyang namumula,siguro naiihi lang to.

"Naiihi kana?" tanong ko sa kanya.

"Ah eh hindi" utal utal niyang sagot.

"Teka okey ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

"Mahalin mo na kase siya Zach para maging ok na siya" natatawang sigaw ni Zina.

"Tanga mahal ko na to" sambit ko.

Bigla silang tumahimik lahat, ang kaninang maiingay ay biglang tumahimik dahil sa sinabi ko. 

"Mahal na mahal ko tong kaibigan kong to" sambit ko sabay inakbayan ito. 

"Lagi akong suportado nitong panget na to eh" dagdag ko pa sabay kurot ng pisngi niya. 

"Kailangan talaga may kurot sa pisngi? " pagrereklamo niya. 

"Kailangan yon kase brutal ka diba? " pagbibiro ko. 

"Ihead butt kaya kita gusto mo? " tanong niya pabalik. 

"Hehe ayaw" sagot ko naman sabay peace sign. 

Nagtawanan kaming lahat,maski ang magkapatid na hindi namin gaano kavibes at nakikitawa narin.

"Zach!" tawag sakin ni Zina.

"Oh mangaasar ka nanaman bang hayop ka?" tanong ko habang tumatawa.

"Sino yung Ivy?" tanong niya.

"Teka kanino mo narinig yang pangalan na yan?" tanong ko ulit pabalik.

"Kay Harold kanina hehe" shet ibig sabihin kanina pa pala tong babaeng to na nakikinig sa amin.

"Ex ko" tipid kong sagot sabay ngiti.

"Pwede mo ba ikwento sa amin paano kayo nag break?" tanong niya.

Tinignan ko muna ang mukha ng mga kaibigan ko. Lahat sila may bahid ng kalungkutan.

Napabuntong hininga ako.

"Nangyare to ilang buwan na ang nakakalipas"

*****

End of chapter 20
Thank you for reading. 

:)

Paradise Of RealityWhere stories live. Discover now