"Please... huwag... 'wag mo naman ito gawin sa'kin..." Halos hindi na makahinga si Gretel dahil sa pag-iyak. "O-okay lang naman kahit d-d-dalawa kami eh... basta please wag mo akong i-iwa—talikuran b-best... Hansel..." Pahina ng pahina ang boses na sabi niya.Tinignan lang siya ng kanyang bestfriend. Bakit? Bakit siya maaawa eh ang inakala niyang bestfriend niya ay tinraydor lang naman siya. Siya ang dahilan bakit siya iniwan ng babaeng mahal niya. At hindi niya ito mapapatawad.
"Stop it bestfriend. Forget that I ever existed in your life. I hate you!" Nakakuyom na ang dalawa niyang mga kamao. "Pasalamat ka at babae ka parin, dahil kung hindi, baka hindi ka na makilala ng mga tao!" Sigaw niya na ikinagulat ni Gretel. Never siya nitong sinigawan. Kahit gaano pa kalaki ang nagawa niyang kasalanan... NOON.
"Hindi mo kasi naiintindihan!" Tumayo siya at pinunasan ang kanyang mga luha. Tinignan niya ito sa mata. "I did that because you are my bestfriend! I want her to see that you can get even! That you are not her dog! That—"
"STOP ALL YOUR B*LLSHITS!" Inilabas niya ang kanyang phone at pinlay ang isang recording.
"...I must get that bitch away from MY Hansel! She doesn't deserve him. Hindi sila bagay kahit saang angle ko tignan. *long pause* Ako lang..."
"I see. So what are you planning to do now?"
"I don't know yet. But I have to find away."
Gulat. 'Yan lang ang mababasa sa mukha niya. "Shocked? Ano pang kailangan kong paniwalaan sa'yo ha? YOU THINK MANINIWALA PA AKO SA'YO?!" Ibinulsa niya ang cellphone at lumapit dahan-dahan kay Gretel. Bawat hakbang niya ay umaatras ang babae. Kitang kita sa mga mata niya ang galit. "Bakit ka umaatras? Natatakot ka? DAHIL TOTOO?!" Mahina pero puno ng hinanakit na tanong ni Hansel. "I trusted you! I did Chas! I was always there when you needed me. Hindi kita iniwan tapos ano? ITO ANG IGAGANTI MO SA AKIN?!"
Pinilit niyang tumingin sa mga mata ng lalaki. Mas lalo siyang napaluha. Natatakot na siya kay Hansel. Hindi siya 'to. "N-no... NO! Oo totoo lahat ng 'yon. Sinabi ko lahat ng 'yon pero—" Napatigil siya dahil naramdaman niya na ang pader sa likod niya. "—hindi 'yon kumpleto! Ni hindi mo nga narinig kung bakit ko nasabi 'yon eh! Hansel mahalaga ka sakin!" Lumapit siya sa lalaki ng konti. "Saka Hansel, nagpapasalamat ako na hindi mo ako iniwan, kaya please, wag mo akong iiwan. Hindi ko kaya... please, maawa ka naman oh. Lahat gagawin ko 'wag mo lang akong iwan. Ikaw lang ang gusto ko..."
Tinignan ni Hansel ang kanyang bestfriend. Kung hindi niya siguro nagawa ang nagawa niya ngayon, kung katulad lang dati—kung kaya niya lang ibalik ang dati, niyakap na niya ito ngayon.
"Sigurado ka? Lahat?"
Tumango lang si Gretel.
"Kaya mo ba siyang ibalik sakin?"
"Hindi ko kaya... hindi p-pwede yang g-gusto mo." Lalong lumakas ang hikbi niya. "Best... Hansel, I love you. Mahal kita. Matagal na pero hindi ko kayang sabihin dahil baka layuan mo ako. Please..."
Pinigilan ni Hansel ang sarili niyang madala ulit nito. He's tired of all her role playings. Lagi nalang siya nitong nauuto dahil alam niya na hindi niya ito matitiis. Pero iba na ngayon. Hindi na niya kayang palagpasin ang ginawa niya. Now that he knows.
"F*ck your love! Walang maidudulot na maganda 'yan sa'kin. Because just like you, your LOVE IS SELFISH!" Tatalikod na sana si Hansel pero bigla siyang humarap ulit. "And why? Hindi pwede o HINDI MO LANG GUSTO?! DAMN YOU!" Pinunasan ni Hansel and labi niya gamit ang likod ng kanyang kamay. "You-are-disgusting!" Tumalikod na siya. No, hindi pwede. Hindi niya kayang mawala ang bestfriend niya... ang lalaking mahal niya. Hinabol niya ito at niyakap sa likod. Selfish?
"Selfish pa ba ang matatawag sa ginagawa ko ngayon?! Eh p*tangina, gago ka pala eh! Kahit ni katiting na pride nalang wala ng natitira sakin! Sa tingin mo madaling makita na ang lalaking mahal mo ay diring-diri sayo? Bakit, mas mahalaga ba yung bruhang yun sayo ha?! She's a witch! Hindi mo siya kila—"
"Stop it, BITCH! You deserve it! AT WAG NA WAG MO SIYANG SISIRAAN ULIT SAKIN DAHIL KAHIT KAILAN, HINDI NA AKO MANINIWALA SA'YO!" Kasabay ng pagsabi niya nun ay ang pagtulak niya ng malakas kay Gretel. Nagulat man sa nagawa niya, hindi na niya yon pwedeng bawiin. Nakita niyang lumuhod si Gretel at yumuko.
"Hans please... kahit na wag mo na akong ituring na bestfriend. Basta please... 'wag mo akong iwan." Halos hindi na niya marinig ang boses ni Gret. Alam niya, tinamaan na ito sa mga nasabi niya. Nah! Serves her right.
Tinignan lang ulit niya ito at nagsmirk. Huli na ang lahat. Sana nakinig nalang siya kay Tiffany na walang maidudulot na maganda sa kanya ang babae. Na kahit anong gawin niyang pagiintindi dito ay hindi na ito magbabago.
"Slut." Tinalikuran niya ito at ibinagsak ang pinto. Sa sobrang lakas ay nalaglag pa ang nakasabit na decoration doon.
Nanginginig si Gretel. Hindi niya matanggap na sa inakala niyang bestfriend niya mismo manggagaling iyon. Hindi niya matanggap na kaya siya nitong saktan ng ganito. T*ngina! Binigay niya lahat sakanya. Ultimo pride niya kinain niya para dito at hindi na itinira sa sarili niya. Akala niya tanggap na siya nito dahil naging magkaibigan sila. Pero nagkakamali pala siya. For how many f*ckin' years, sila lang ang magkasama, ang magkasangga. Then now him calling her a bitch? A slut? Eh p*tangina, siya nga lang ang minahal niya ng ganito eh! He knows too well... or so she thought. Kung sa ibang tao pa manggagaling okay lang eh, pero sa kanya mismo nanggaling. Nakita niya ang pagbukas ng bibig niya at narinig niya ang paglabas ng salitang iyon mula sakanya. Ang sakit. Ang sakit sakit.
Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaluhod sa semento. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa nangyari. Now, she's already awakened.
"Hansel Cholo Alcantara... You had my loyalty, my heart... lahat..." Napaluha siya bigla ng hindi niya namamalayan. "But you threw it all away."
Lumapit siya sa frame kung saan nakalagay ang kanilang wacky picture ng kanyang bestfriend. Sayang. This time, you won't be my corner where I'll sit and beg.
"Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you regret this for good."
Itinaob niya ang frame ng pabagsak. Kasabay 'non ay ang tunog ng nabasag na salamin.
---------------------------------------------------
AN: I just realized that the first chapters are kinda boring, for me lang huh. I don't know how you guys might find it.
Just continue reading, medyo nag-eenjoy na akong nagta-type sa bandang chapter thirteen :D You guys can skip, ok lang. Pero baka may ma-miss kayo, sayang. Harhar.
- Niq

BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Ficção AdolescenteHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."