CHAPTER 19

2.5K 48 2
                                        

TROY’S POV

 

            Dumaan muna kami ni Chas sa condo niya bago kami sumunod kina Basti sa superclub. Magpapalit daw muna siya ng damit. Ewan ko ba naman sakanya, hindi naman na niya kailangan pang magpalit pa ng damit dahil kahit ano namang suot niya maganda parin siya sa paningin ko. Ang arte niya at naiinis ako pag maarte siya pero okay lang, masaya ako. Yeah, that’s how much I love her. Kahit naiinis ako sa ginagawa niya, mahal ko parin siya. Anyway, it’s her that I love, not what she does.

Kung paano ko siya minahal ng ganito? Hindi ko din alam.

I already admitted to myself that I love her. Kung hindi, ano ang tawag sa kakaibang nararamdaman ko pag kasama ko siya? Kahit nga pag nakikita ko lang siya. Pag nandiyan siya, masaya ako kahit na madalas sinusungitan lang niya ako, alam ko naman kasing front lang niya yun. I know deep inside her, she’s affected by me. Hindi sa mayabang pero hindi ako hipokrito para sabihin na hindi ko alam yun.

“Wait for me there.” She motioned me to her sofa. Naupo ako dun.

“Wag ka ng maarte. Hurry up.” Sabi ko sakanya and as usual, she raised her eyebrows and rolled her eyes on me. Yung iba, panigurado maaasar sa ginagawa niya. Pero para sakin... I find it hot. Haha.

Habang hinihitay ko siyang lumabas sa kwarto niya, tahimik lang akong nakatingin sa corner table niya malapit sa pinto niya.

Aiiish! Bakit ba ang tagal niyang lumabas? Hindi naman niya siguro isusuot kahat ng damit niya ngayon lang, diba? Sanang nag-comforter nalang siya. Hahaha. Tumayo ako. Kakatukin ko na nga siya.

Knock... knock... kno—

Napansin ko ang gasgas sa gilid ng corner table niya. Kung tutuusin, wala naman dapat akong pakielam pero parang may humahatak sakin na lapitan yon. Nilapitan ko nga. Wala namang nakapatong sa table pero merong marka na para bang may matagal ng nakapatong doon na bigla nalang tinanggal.

Hahayaan ko na sana pero nakita ko yung maliit na drawer sa ilalim ng table. Hindi yun halata maliban nalang kung papansinin mo talaga. I pulled it out at may nakita akong frame na nakataob. Bakit nandito ‘to? Kinuha ko yun at hinarap sakin.

Seryoso lang akong nakatingin sa frame na hawak ko. Basag. Pero hindi yun ang dahilan bakit seryoso ako, kundi dahil si Cholo at Chas ang nasa picture at mukhang masaya pa sila. Halata namang matagal ng nakunan ang picture dahil bata pa ang mga itsura nila dito.

*So, they are this close.* P*tangina talaga ng gagong Hans na yun, napaka-walang kwenta ng gago!

--------------------------------------------------------

FLASHBACK

 

When Chas left to buy her frappe, I decided to get my brownies in my car. Binake yun ng kapatid ko at gusto niya na ipatikim ko daw yun kay Ate Chas niya. She knows Chas, but of course, Chas doesn’t know her—yet.

 

Malapit na ako kung saan ko pinark yung sasakyan ko nung makita ko si Hans na papunta sa likod ng gym. Wala namang pwedeng puntahan dun ah? May iba akong pakiramdam kaya sinundan ko siya.

Bitch For A PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon