CHAPTER 29

1.6K 33 5
                                    

CHASTENE’S POV

 

“P*TANGINA, BASTOS KA PALA EH!” Kasabay ng pinakamalakas na sigaw ni Troy na narinig ko ay ang pagkakita ko ng pinakamalakas na din yata niyang suntok. Humandusay si Hans sa sahig ng putok ang labi at mukhang hilo pa dahil sa lakas ng impact ng kamao ni Troy.

Ako naman, hindi makagalaw. Pati mga students na nasa gym, halatang nagulat sa ginawa ni Troy. Oo, hindi ito ang first time na nakita kong sumuntok si Troy. Pero ito ang first time na ginawa niya yun sa harap ng maraming tao. Knowing Troy, ayaw niyang napa-uusapan. Tipong kahit ka-sweetan niya ay tago din.

Parang slowmotion ang lahat. I saw Hans trying his best to stand. Natauhan lang ako nung makita kong palapit ulit si Troy sakanya at nang akmang susuntukin na niya ulit si Hans,

“STOP!” Sigaw ko na ikinalingon niya sa akin. Agad akong tumakbo palapit kay Hans at inalalayan siyang tumayo. Pagkatapos ng ginawa niya, hindi ko na kayang makita pa siya ulit na nasasaktan. Inaamin kong mahal ko parin siya kahit alam kong mali yun.

And I guess it’s not wrong for me to care for him right? Kahit doon ko nalang ibuhos yung pagmamahal ko sakanya na hindi na pwede sa ngayon dahil nandyan na si Troy. Isa pa, pinatawad ko na siya diba?

Nakita kong ngumiti si Hans sakin habang inaalalayan ko siya.

“Ano na Grets, sinasagot mo na ba ako? Ang bilis naman.” Tumatawang sabi niya. Ibang klase. Putok na ang labi at lahat, tumatawa parin. “Hindi ako prepared ngayon. Pwedeng bukas mo nalang ako sagutin okaya next week pag magaling na tong labi ko?”

 

“Baliw ka talaga.” Yan nalang ang nasabi ko. Hinarap ko si Troy. “I’ll just help him to the clinic.”

 

“You don’t have to. Somebody else can do that.” Troy. Nagsimula ng magbulungan ang mga tao sa gym.

“I insist.” Matapang na sabi ko sakanya at nilagpasan na namin siya.

“Nakaharap na ang boyfriend, lumalandi pa.” Hindi nakalampas na pandinig ko yun at agad kong hinanap kung kanino yun nanggaling.

Hinarap ko saglit si Hans. “Wait.”

Humarap ako sa nagsabi nun at nakita ko ang isang morenang babaeng blonde ang buhok. Wait. Parang nakita ko na ‘to ah... but nevermind.

“Ano nga ulit yung sinabi mo?” Mataray na sabi ko sakanya.

“Ang sabi ko, nakaharap na nga si Troy, lumalandi ka pa. Ibang klase ka rin eh no?” Mataray na sagot niya.

Tinignan ko si Troy at mukhang wala siyang balak na ipagtanggol ako this time. Ouch. Oh edi siya ng nagseselos. Kasalanan ko naman eh. Babawi nalang ako mamaya.

Bitch For A PurposeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon