CHASTENE' POV
-----------------------------------
Hans' calling...
-----------------------------------
Tinignan ko ang screen ng phone ko habang tinatantya kung sasagutin ko ba o hindi.
Bakit ba kasi ang galing tumayming ng pagkakataon? Bakit kasi kung kailan ready na akong makipag-ayos ng totohanan kay Hans ay parang kami naman ni Troy ang magkakalabuan?
Don't get me wrong, alam ko na mali ang ginawa ko na mas pinili kong samahan si Hans kaysa sundin si Troy at ready naman na akong bumawi eh, pero the eff? The scene I just witnessed bitchified me to the highest level kaya magkamatayan muna bago ako maunang mag-sorry sakanya.
I decided to just ignore the call at lumabas din ako ng kotse. Konti lang ang sasakyan ngayon sa area kung saan naka-park ang sasakyan ni Troy.
"Bakit ka bumaba?" Me.
"Baka makaistorbo ako sainyo ng bestfriend mo eh." He looked at me. Oo na, nakaka-guilty na ang mga tingin niya.
Huminga ako ng malalim ng tatlong beses at lumapit ako sakanya. "I didn't answer the call."
Itinaas niya ang tingin niya at binigyan ako ng nagtatanong na tingin--wait, nagsasalita ba ang tingin? The eff?
"Wag ka na kasing magalit. As if naman bagay mo. At isa pa, wag mo akong inuunahan kasi. Ako dapat ang galit ngayon eh!" Mataray na sabi ko sakanya.
Hindi siya natinag at nakatingin lang talaga siya sakin as if makikita niya kung anuman ang kulay ng undies ko pag di siya kumurap. Hihi. *At talagang nagawa mo pang magbiro sa lagay na yan ah?*. Yeah, whatever. Masyado na kasing tense ang situation eh.
After a while, mukhang hindi na siya nakuntento sa pakikipag-eye to eye sakin at dahan-dahan na siyang nag-smile. Mas sweet kaysa dun sa smile niya kanina habang kasama niya ang impaktang Mitchie.
"I'm sorry." He said while smiling.
Hah! Di rin pala makakatiis. Ano ba yan, wala namang thrill, bigay agad?! Harhar. Joke lang.
"Sorry din." Sabi ko ng mataray.
Kumunot ang kilay niya. "Do you even mean what you said?"
"So anong pinaglalaban mo niyan? Sa gusto ko in-character parin eh. It's the thought that counts." Sabi ko na ikinatawa naming pareho. Langya kasi, kahit ako hindi ko feel na sincere ako. Harharhar.
He was about to give me a smack nang bitinin ko siya.
"Know what, minsan parang mas gusto ko pang galit ka okaya nagtatampo." Me.
"Why?"
"Kasi humahaba ang sinasabi mo pag ganun." Me.
"Ah, ganyan? Gusto mo mahaba ang sabihin ko?"I nodded
"Okay." He stared intently in my eyes and breathed two times. What's he gonna say kaya? Hihi. Ni-ready ko na din ang puso ko at baka layasan ako sa kilig. Ang tagal niya akong pinaghintay bago bumukas ang bibig niya at dahan-dahan kong inabangan ang lalabas na mga kataga sa bibig niya.
"Mahaba." BLAG. JOKE BA YON?!
------------------------------------------------------
THIRD PERSON'S POV
Habang tinitignan niya ang magkasintahan na masaya, napangiti siya.
BINABASA MO ANG
Bitch For A Purpose
Ficção AdolescenteHow is being bad is being good at the same time? Where will her colliding better side and worse side take her? "Yes, I am a bitch, a good one. And because I am a good bitch, I'll make you REGRET this for GOOD."